Replektibong Sanaysay

Cards (9)

  • Replektibong Sanaysay
    • isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay nagbabahaging kanyang mga karanasan
    • ibinabahagi rin ng manunulat kung ano-ano ang naging epekto o pagbabago sa kanyang sarili bunsod ng kanyang mga karanasan sa buhay
  • Panimula - Ang manunulat ay maaaring magbahaging kanyang mga karanasan sa bahaging ito. Ang kanyang ibabahaging karanasan ay maaaring tuwiran o di-tuwiran. Kailangang sa bahaging ito ay makuha ng manunulat ang atensiyon ng mambabasa.
  • Katawan - Ilalahad na ng manunulat sa bahaging ito ang naging epekto o bunga ng kanyang mga naging karanasan. Ibabahaging manunulat kung ano-ano ang mga pagbabagong nangyari sa kanyang sarili.
  • Konklusyon - Gagawa ang manunulat sa bahaging ito ng paglalahat ng kanyang mga naibahaging karanasan. Maaari ring magbahagi ang manunulat ng mga bagay na nais pa niyang baguhin sa kanyang sarili sa hinaharap.
  • Ang isang reflektibong sanaysay bukod sa naglalaman ng karanasan ng isang manunulat ay mahalagang binubuo din ng mga sumusunod:
    1. deskripsiyon ng mga datos, pangyayari, at iba pa.
    2. ebalwasyon ng pangyayari, karanasan sa pamamagitan ng sariling opinyon
    3. pagtalakay kung paano naapektuhan o maaaring maapektuhan o mabago ang sarili
  • Pananaliksik - Bilang isang akademikong sulatin, mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik sa pagsusulat ng reflektibong sanaysay upang mas mapayaman pa ang paglalahad ng karanasan na nakabatay sa tiyak at tumpak na mga datos bunga ng masinsinang pagsasagawa ng pananaliksik.
  • Pamamaraan upang makuha ang atensiyon ng mambabasa gaya ng mga sumusunod:
    1. anekdota
    2. flashback
    3. sipi
  • Makabuluhan, tiyak, at konkretong bokabularyo - Sa pagsulat ng Replektibong sanaysay mainam din na maipakita ng manunulat ang kanyang husay sa paggamit ng bokabularyo. Ito ay maipapakita sa paggamit ng tiyak at konkretong mga salita na nakakatulong upang maunawaan ng mabuti at malinaw ang kanyang naisulat.
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng isang reflektibong sanaysay:
    1. Pananaliksik
    2. Pamamaraamn upang makuha ang atensiyon ng mambabasa (anekdota, flashback, sipi)
    3. Makabuluhan, Tiyak, at Konkretong Bokabularyo