Panukalang Proyekto - isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan.
Panimula - unang bahagi ng Panukalang Proyekto
Panimula
Dito tutukuyin ang kaukulangpangangailangan ng pamayanan na pagbabatayan ng layunin ng iyong proposal.
Dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto. Dapat na nakapaloob dito ang paglalarawan ng lyong pamayanan at kung paanong makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay.
Sa pagbuo ng Panukalang Proyekto tukuyin ang tagal ng panahon na gugugulin para sa bawat gawain upang malaman kung gaano katagal ang gugugulin mong panahon sa buong proyekto.
Sa pagplano ng Panukalang Proyekto, dapat na nakasaad ang halagang gagastusin. Ang badyet ay talaan ng gastusin upang makamit ang iyong mga layunin.
Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Badyet
Gawing simple at malinaw ang iyong badyet.
Ayusing mabuti ang iyong panukala.Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon ng mga ito.
Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang mga bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang yong panukala sa kanilang itataguyod.
Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo.
Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
Balangkas ng Panukalang Proyekto
Panimula - pagpapahayag ng suliranin o dahilan ng panukalang proyekto
Katawan - buo ito ng plano ng dapat gawin at ang panukalang badyet
Katapusan o Konklusyon - katulad ito ng bahaging pagsusuri ong bahaging naglalahad ng kapakinabangang dulot ng proyekto
Pamagat
Kadalasan pinaikling bahagi ng ulat-panukala o ang pangangailangan
Nagpadala o Proponent
Ang iyong pangalan bilang manunulat ng proposal at ang Petsa - ang araw kung kailan mo isusumite ang iyong panukala at ang habang panahong gugugulin sa pagkompleto ng proyekto
Badyet o Pondong Kinakailangan
Ang kalkulasyon ng halagang gugugulin para sa proyekto
Pagpapahayag ng Suliranin o Rasyunal
Ang pangangailangan at dahilan kung bakit ito kailangang matugunan na nakasaad sa isang saknong at may wastong pamagat
Deskripsiyon ng Proyekto
Inilalarawan sa bahaging ito ang proyektong gagawin
Layunin ng Proyekto
Kung ano ang nilalayong gawin ng proposal
Kasangkot sa Proyekto
Iniisa-isa ang mga taong may gampanin sa proyektong gagawin
KapakinabangangDulot
Ang katapusan, kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang sa proyekto at kung ano ang kanilang mapapala dito
Plano ng Gawain o Talakdaan at Estratehiya
Ang mga hakbang na pinaplano mong gawin at ang panahong gugugulin upang matapos ang