Malikhain ng isang teorista at kognitibong konstruksyon ng kabuluhan, kahulugan, at kakanyahan ng salita
Ang pagdadalumat ay masusi, masinop, kritikal, at analitikal na pag-iisip
Pagdadalumat
1. Binibigyang-diin ang denotatibo at konotatibo
2. Gumamit ng mga salitang mauunawaan
3. Ipahayag ang pagkakaiba ng salita sa ibang mga salita
4. Gumamit ng paglalarawan, paghahalimbawa, pagtutulad at paghahambing, pagsusuri, sanhi at bunga, atbp.
Denotatibo
Nakabatay sa talatinigan, literal na kahulugan
Konotatibo
Lampas sa talatinigan, kahulugang nakakabit sa salita
Sawikaan
Proyekto na nagtatampok sa pamimili ng pinakamahalagang salita na namayani sa diskursong Filipino sa nakalipas na taon
Ang Sawikaan ay isang samahan na nagsimula noong 2004 upang subaybayan ang pag-unlad ng wikang Filipino batay sa umiiral na gamit ng mga salita sa diskursong lipunan
Layunin ng Sawikaan na mamulat sa kontrobesya at mahahalagang usaping politika, sosyolohiya, kultura, kasaysayan at iba pa ang mga Pilipino
Ang Sawikaan ay paglalagom ng mga karanasan at napagtagumpayan bilang estratehiya, hindi lamang sa pamimili ng salita ng taon, kundi upang magkaroon ng mapanuring kamalayan ang mga Pilipino tungkol sa nagbabagong wika ng bansa
Mga salitang maaaring mailahok sa pagpili ng salita ng taon
Bagong Imbento
Bagong hiram na banyaga/katutubo
Patay na salitang muling nabuhay
Lumangsalita ngunit may bagong kahulugan
Mga isinasaalang-alang sa pagpili ng salitangtaon
Ang kabuluhan ng salita sa buhay ng tao
Pagsasalamin nito sa kalagayang panlipunan
Ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita
Ang paraan ng pagpepresenta nito sa madla
Ang Sawikaan ay itinataguyod ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT) at nagsimula noong 2004
Panganiban (1973)
ang salitang DALUMAT ay kasing kahulugan ng paglilirip at paghihiraya.
Pagdadalumat
Ang salitang pagdalumat ay mula sa salitang ugat na dalumat na kinabitan ng panlaping "pag" ibig sabihin ay masusi, masinop, kritikal, at analitikal na pag-iisip.
Sawikain (Mga kasabihan)
BUTAS ANG BULSA
AMOY PINIPIG
PAG-IISANG DIBDIB
BAHAG ANG BUNTOT
Mga dahilan kung bakit kailangang gamitin ang wikang Filipino sa pagdadalumat
Kailangang linangin ang wikang Pambansa, kailangang paunlarin ang kamalayang Pambansa, kailangang itaguyod ang pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa
Sawikaan
Itinataguyod ito ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT). Nagsimula ito noong taong 2004 at sinundan noong 2005,2006, 2007, 2010, 2012, 2014,at 2016