EL Fili Tauhan

Cards (27)

  • Simoun - Ang pangunahing tauhan, ang mayamang mag-aalahas
  • Basilio - Anak ni Sisa, nakapag-aral ng medisina sa tulong ni Kapitan
  • Isagani - Ang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez
  • Placido Penitente - Isang matalinong mag-aaral na taga-Tanauan, Batangas, nabigo sa kanyang inaasahang sistema ng edukasyon sa Maynila
  • Padre Salvi - Ang Franciscano na dating kura sa San Diego
  • Padre Sibyla - Ang Vice Rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas
  • Padre Camorra - Ang kura-paroko ng kumbento ng Tiani na nagtangkang pagsamantalahan si Huli
  • Padre Irene - Ang tumutulong sa mga mag-aaral na maitatag ang akademya ng wikang Kastila
  • Padre Florentino - Ang paring amain ni Isagani
  • Padre Fernandez - Ang paring may kakaibang ugali sa ibang kaparian at iginagalang ni Isagani
  • Paulita Gomez - Ang pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani
  • Huli - Ang bunsong anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio
  • Dona Victorina - Asawa ni Don Tiburcio de Espadana at tiyahin ni Paulita Gomez
  • Kabisang Tales - Ang ama ni Huli, naghimagsik dahil dahil sa pangangamkam ng mga pari sa lupang kanyang pinaghirapan
  • Tata Selo - Ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli
  • Don Custodio - Ang Kastilang opiysal ng pamahalaan na nagpapalagay na siya lamang ang nag-iisip sa Maynila
  • G. Pasta - Ang manananggol na Pilipino na tumangging tumulong sa mga mag-aaral
  • Ben Zayb - Ang mamahayag sa Kastila na hindi patas ang kanyang pagsulat ng balita
  • Mr. Leeds - Ang Americanong nagpapalabas ng ulong pugot
  • Juanito Pelaez - Ang anak ng isang mayamang mangangalakal na pinakasalan ni Paulita Gomez
  • Quiroga - Ang Intsik na naghahangad na magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
  • Macaraig - Ang mayamang mag-aaral na nangunguna sa pagnanais na makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
  • Sandoval - Isang Kastilang mag-aaral na nakikiisa sa mga Pilipinong mag-aaral na maitayo ang Akademya ng Wikang Kastila
  • Hermana Penchang - Ang napaghiram ng pantubos kay Huli bilang kapalit ng kanyang pagiging katulong
  • Hermana Bali - Ang tumulong kay Huli upang makalaya si Basilio
  • Pecson - Ang mag-aaral na walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari sa kanyang paligid
  • Pepay - Ang mananayaw na kalaguyo ni Don Custodio