KABANATA I – ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA.
TanggolWika – Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Pilipino
PSLLF – Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
CHEd – CommissiononHiger Education (Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon)
2013 – taon kung kalian inalis ng memorandum ng CHEd ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo
Hunyo 21, 2014 – Nabuo ang Tanngol Wika
Hulyo 14, 2014 – ipinadala ng PSLLF sa tanggapan ng Komisyoner ng CHEd ang posisyong papel laban sa
CMOBilang 20.
Marso 15, 2015 – nagsampa ng kaso laban sa CMO Bilang 20 sa Korte Suprema ang Tanggol Wika na
sinuportahan ng mga propesor at iskolar mula sa iba’t ibang unibersidad.
Dr. Bienvenido Lumbera – ang nanguna sa pagsampa ng kaso ng Tanggol Wika sa Korte Suprema
Filipino – itituturing kauunahang wikang ginamit sa buong petisyong nakatala bilang G.R.No.217451.
Pinanindigan ng Tanggol Wika sa petisyon na nilabag ng CHEd ang Batas Republika Bilang 232, Batas
Republika Bilang 7356, at 1987 Konstitusyon ng Pilpinas.
SY. 2018 – 2019 – taong panuruan kung kalian sinimulang ituro ang mga bagong General Education subject sa bisa ng CMO Bilang 20.
UP Diliman - unang paaralan na gumamit ng Wikang Filipino bilang panturo ng kasaysayan noong 1968-1969
Pamantasang De La Salle – paaralan kung saan pinangunahan ni Emerita Quito ang pagtuturo sa Filipino ng Pilosopiya
Ingles - wikang tinutukoy ng mga semi-intelektwal kung saan matututo raw ang mga Pilipino sa paglalim ng kaalaman.
Virgilio Almario – naglahad na hindi totoong walang kakayahan ang wikang Filipino na maging wika ng karunungan at bilang wika ng Syensya.
ACT Teacher Partylist – Sila ang naghain ng panukalang batas na nagtatakda ng hindi bababa sa siyam na yunit ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito ay pinangunahan nina Rep. Antonio Tinio at Rep. France
Castro.
Dr. David Michael M. San Juan - Para maging epektibong wikang panturo ang Pilipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura.
KABANATA II – MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
Komunikasyon - Galing sa salitang latin na communis na nangangahulugang common o karaniwan.
Sender - Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa kung ano ang nais ipahatid na mensahe ng tagahatid na sumasailalim sa malalimang pagiisip sa bawat detalye na partikular na paksa. Tinatawag din
siya bilang communicator o source.
Mensahe - Ito ay naglalaman ng opinyon, kaisipan at damdamin na karaniwang nakabatay sa paniniwala at kaalaman ng ng tagahatid patungong tagatanggap upang magkaroon ng komunikasyon.
Daluyan - Mayroong dalawang anyo ang tsanel upang maipahayag at maihatid ang naturang mensahe. Ang una ay pandama (sensory) tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakiramdam; at
Institusyunal (institutionalized) na tuwirang sabi o pakikipag-usap, sulat at kagamitang elektroniko.
Receiver - Ang nagbibigay ng kahulugan sa naturang mensaheng inihatid ng tagapaghatid na tumutugon sa mensaheng natanggap. Mayroong tatlong antas ang tagatanggap, Pagkilala, Pagtanggap at Pagkilos
Sagabal – Sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng isang komunikasyon.
mga halimbawa ng sagabal
A) Pisyolohikal na sagabal
B) Pisikal na sagabal
C) Semantiko na sagabal
D) Teknolohikal na sagabal
E) Kultural na sagabal
F) Sikolohikal na sagabal
G) Sagabal
Tugon – Hindi magiging matagumpay ang komunikasyon kung walang tugon sa bawat mensahe. Dito rin makikita ang kabisaan ng paghahatid ng mensahe dahil ito ang magiging batayan ng susunod na siklo ng komunikasyon.
Epekto – Tumutukoy kung paano naapketuhan ang receiver (emosyonal at sikolohikal) mula sa ipinadalang mensaher ng sender.
Konteksto – Tumutukoy ito sa lugar, kasaysayan at sitwasyong kinapapalooban ng komunikasyon.
Low-Context Culture - Kulturang ginagamit ang wika nang direkta sa pagpapahayag.
High-Context Culture - Kulturang nagsasabi na Malaki ang papel ng mga ‘di berbal na palatandaan, pamantayan, kasaysayan ng relasyon, at ng koteksto ng Komunikasyon.
InibidwalistikongKultura - Kulturang itinuturing ang sarili bilang hiwalay na entitad sa kanyang lipunan.
KolektibongKultura - Kulturang ang oryentasyon ay binubuhay ng konseptong tayo.
Pitong uri ng komunikasyong Pilipino
A) KOMUNIKASYONG PILIPINO
B) Pahaging
C) Padaplis
D) Parinig
E) Pasaring
F) Paramdam
G) Papansin
H) Paandaran
Pahaging - Isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis.
Padaplis - Isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti o massanggi nang bahagya ang kinauukulan.
Parinig - Isang malawak na instrumenting berbal para sa pagbabatid ng niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino mang nakikinig sa paligid.
Pasaring - Tumutukoy sa mga berbal na ‘di tuwirang pahayag ng pula, puna, paratang, at iba pang mensahe.
Paramdam - Isang mensaheng pinaabot ng isang tao o sinasabing gumagalang espiritu
Papansin - Tumutukoy sa mga mensaheng humihingi ng atensyon.