Ap

Cards (59)

  • Citizenship (pagkamamamayan) - ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
  • Ito ay ugnayan ng isang indibidwal sa isang estado. Tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado.
    Pagkamamamayan
  • Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
    Polis
  • ayon kay Murray Clark Havens, ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ng estado.
  • Yaong mamamayan ng pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang-batas na ito
    Seksiyon 1
  • Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin uoang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino.
    Seksiyon 2
  • Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matanto sa paraang itinatadhana ng batas
    Seksiyon 3
  • Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-aasawa ng dayuhan.
    Seksiyon 4
  • ang dalawang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
    Seksiyon 5
  • nakukuha ang pagkamamamayan ayos sa lugar ng kapanganakan o sa pagkamamamayan ng magulang.
    likas/ Natural born citizen
  • nakabatay sa pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipiyong sinusunod sa pilipinas
    Jus Sanguinis
  • ito ay dumadaan sa proseso ng batas bago makuha ang pagkamamamayan.
    Di-likas/ Naturalized Citizen
  • pormal na paghingi ng pagkamamamayan ng isang dayuhan sa pamahalaan.
    Naturalisasyon
  • Ang batas na ito ay nagkakaloob muli ng pagka-Pilipino sa mga likas na Pilipino o natural born citizen na
    naging naturalized citizen ng ibang bansa.
    Dual Citizenship
  • Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay.
    Karapatang pantao
  • ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. 
    Karapatang Pantao
  • Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon.
    539 B.C.E.
  • Isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
    Universal Declaration Of Human Rights
  • Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkalob ng Estado
    Natural
  • Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
    CONSTITUTIONAL RIGHTS
  • Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong bansa.
    Statutory
  • Kapangyarihan ng mamamayan na
    makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng
    pamahalaan.
    Karapatang Politikal
  • Mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
    Karapatang Sibil
  • Mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
    Karapatang Sosyo- ekonomik
  • Mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anomang krimen.
    Karapatan ng Akusado
  • Amnesty
    International - ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao.
  • Human Rights Action Center (HRAC) - Itinatag ito ni
    Jack Healey na isang kilalang human rights activist.
  • Global Rights - Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan.
  • Asian Human Rights Commission (AHRC) - Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipalaban para sa karapatang pantao sa Asya.
  • African Commission on Human and People's Rights - Ito ay isang quasi-judicial body na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia.
  • Commission on Human Rights (CHR) -ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan.
  • Philippine Alliance of Human Rights Advocates
    (PAHRA) - itinatag ang alyansang ito noong 1986 at nilahukan ng mahigit sa 100 organisasyon mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
  • Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) - isang organisasyon na nakarehistro sa SEC simula pa noong 1994.
  • KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People's Rights - ito ay alyansa ng mga indibidwal, organisasyon, at grupo na itinatag noong 1995.
  • Free Legal Assistance Group (FLAG) - ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao.
  • Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) - Itinatag ito noong 1974. Sinimulan ito na may adhikaing matulungan ang mga political prisoner.
  • Pagpapaubaya at Pagkakaila - walang pasubaling pagpapaubaya sa mga paglabag ng karapatang pantao.
  • Kawalan ng pagkilos at interes - may limitadong kaalaman tungkol sa mga karapatang pantao ngunit may pagtanggi o kawalan ng interes na igit ang mga karapatang ito dahil sa takot, panganib, o kakulangan sa pag-unawa ng mga kondisyong panlipunan, ekonomiko, at politikal ng bansa.
  • Limitadong Pagkukusa - kakikitaan ng pagtaguyod ng karapatang pantao, paghanap ng mga solusyong gamit ang karaniwang pamamaraan tulad ng paglalahad ng reklamo
  • Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa - may kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at sama-samang pagsisikap