PANANALIKSIK

Cards (40)

  • Pananaliksik
    Isang masistemang gawain ng pagsusuri at pag-aaral ng mga materyal, paksa, at mga pinagmulan nito upang makabalangkas ng mga makatotohanang pagpapaliwanag at makapagtamo ng mga bagong pagdulog at konklusyon ukol sa isa o higit pang larangan
  • Kahulugan ng Pananaliksik
    • Isang siyentipikong metodo para sa pagtuklas ng katotohanan at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng tao
    • Ang paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran
    • Isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klasipikasyon o resolusyon nito
    • Isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan
    • Isang sistematikong pag-aaral o ang imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik
  • Layunin ng Pananaliksik
    • Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon
    • Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances o elements
    • Mapalawak o mapatotohanan ang mga umiiral na kaalaman
    • Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrument o produkto
    • Makakuha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan, at iba pang larangan
    • Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik
  • Balangkas
    Nagsisilbing 'blueprint' o gabay sa pananaliksik upang masigurado ang tamang landas na tinutungo at maiwasan ang paglihis sa paksa
  • Balangkas Teoretikal
    Nakabatay sa mga teorya na umiiral sa iba't ibang larang na may replekasyon sa mga layunin o hypotesis ng pananaliksik
  • Balangkas Konseptwal
    Naglalaman ng konsepto ng mananaliksik tungkol sa pag-aaral kaugnay sa isinasagawa na pag-aaral
  • Ang pagkakaiba ng dalawang balangkas ay ang balangkas teoretikal ay nakabatay sa mga teorya habang ang balangkas konseptwal ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik
  • Datos Empirikal
    • Mga nakolektang impormasyon mula sa mga kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (e.g., obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.)
    • Dumadaan ito sa pagsusuri at maaaring mapatunayan na totoo o hindi
  • Paraan ng paglalarawan ng datos empirikal
    • Tekstwal
    • Tabular
    • Grapikal (Line graph, Pie graph, Bar graph)
  • Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa

    • Sinisimulan ang anumang pananaliksik sa pagpili at paglimita ng paksa
    • Ang nalimitahang paksa ay isinasalin sa tanong na magsisilbing gabay ng buong pananaliksik
    • Makatutulong ang pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa pagpapaunlad nito
  • Pagdidisenyo ng Pananaliksik
    • Mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik
    • Kinakailangang natukoy na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng pananaliksik upang malapatan ng tiyak na disenyo
    • Inaakda ng mananaliksik ang teoretikal na gabay ng pananaliksik na resulta ng naunang pagbabasa
    • Pagkatapos ay bubuuin ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuuang tiyak na lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri
    • Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng pananaliksik, itatakda ng mananaliksik ang disenyo ng pag-aaral at kaukulang pamamaraan kung paano matatamo ito
    • Tutukuyin na ang mga kalahok o populasyon ng pananaliksik
  • Pangangalap ng Datos

    • Nangyayari ang produksiyon ng bagong datos na pagbabatayan ng kalalabasan ng pananaliksik kung kaya't mahalagang maging masinop, matiyaga, at matapat ang mananaliksik
    • Kailangan nang ihanda ang instrumento o kasangkapang gagamitin upang mangalap ng datos
    • Isasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral
    • Pagkatapos, isasaayos at ihahanda ng ang mga ito para sa presentasyon at pagsusuri
  • Pagsusuri ng Datos
    • Ginagawa ang paglikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na nakalap
    • Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng datos ang magtatakda sa husay ng panunuri at interpretasyon kung kaya't kailangang pag-isipang mabuti ng isang mananaliksik ang pinakamabisa at angkop na presentasyon
    • Mahalaga rin ang pagsusuri ng datos
  • Pangangalap ng datos
    1. Nangyayari ang produksiyon ng bagong datos na pagbabatayan ng kalalabasan ng pananaliksik
    2. Kailangan nang ihanda ang instrumento o kasangkapang gagamitin upang mangalap ng datos
    3. Isasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral
    4. Pagkatapos, isasaayos at ihahanda ng ang mga ito para sa presentasyon at pagsusuri
  • Pagsusuri ng datos
    1. Ginagawa ang paglikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na nakalap
    2. Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng datos ang magtatakda sa husay ng panunuri at interpretasyon
    3. Mahalaga rin na lagumin ng mananaliksik ang pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik mula sa datos at bumuo ng mga kongklusyon mula rito
    4. Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay binubuo batay sa mga natukoy na kongklusyon ng pag-aaral
  • Pagbabahagi ng pananaliksik
    1. Labas na sa mismong pagsulat ng papel-pananaliksik kaya't madalas na nakaliligtan o napagwawalang bahala
    2. Kailangang bigyang-pansin at paunlarin ang bahaging ito upang maipalaganap ang resulta ng pananaliksik
    3. Titiyakin na maibabahagi ng mananaliksik ang mahahalagang naging konklusyon ng pananaliksik
  • Disenyo ng pananaliksik
    Pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananalik sa maayos at lohikal na paraan
  • Klasipikasyon ng pananaliksik
    • Kuwantitatibo
    • Kuwalitatibo
  • Kuwantitatibo
    • Sistematiko at empirical na imbestigasyon ng iba't ibang paksa
    • Gumagamit ng matematikal at estadistikal na pamamaraan
  • Kuwalitatibo
    • Layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan at pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito
    • Personal
    • Obserbasyon, pakikipanayam at pagsusuri sa nilalaman
    • Nag-uusisa at eksploratori
    • Hindi makapagbibigay ng tiyak at patas na kaisipan
  • Mga disenyo ng pananaliksik
    • Deskriptibong pananaliksik
    • Disenyong aksyon riserts
    • Historikal
    • Pag-aaral ng isang kaso (case study)
    • Komparatibong pananaliksik
    • Pamamaraang nakabatay sa pamantayan
    • Etnograpikal na pag-aaral
  • Deskriptibong pananaliksik
    • Pinag-aaralan ang pangkasalukuyang ginagawa,pamantayan at kalagayan
    • Tumutugon sa tanong na sino ,ano,kailan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral
  • Disenyong aksyon riserts
    • Inilalarawan ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polosiya at iba pa sa layuning palitan pa ito ng mas epektibong pamamaraan
    • Kailangan ang serye ng ebalwasyon kung nakamit o hindi
  • Historikal
    • Gumagamit ng iba't ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan
    • Batay sa mga datos at ebidensiya, pinalalalim ang pag- unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay, at ang pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan
  • Pag-aaral ng isang kaso (case study)
    • Naglalayong malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba't ibang paksa ng pag-aaral
    • Ginagamit ito upang paliitin, maging mas espesipiko, o kaya ay pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa
    • Mahusay ang disenyong ito upang ipaunawa ang isang masalimuot na paksa sa pamamagitan ng detalyadong pagsusuri ng konteksto ng mga pangyayari at ugnayan ng mga ito
  • Komparatibong pananaliksik
    • Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa
    • Madalas na gamitin ang ganitong uri ng disenyo sa mga cross-national na pag- aaral upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura, at institusyon
  • Pamamaraang nakabatay sa pamantayan
    • Naglalayon itong maglarawan ng anumang paksa
    • Hindi lamang simpleng deskripsiyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin ito sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan
  • Etnograpikal na pag-aaral
    • Nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba't ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito
    • Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, at iba pang aspekto ng kanilang pamumuhay
  • Disenyong Pananaliksik
    • Hindi lamang simpleng deskripsiyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan
    • Madalas na bahagi ng rekomendasyon ang proyekto o pagpaplano upang makasapat o makasunod sa hinihinging batayan ng sinumang kalahok sa pananaliksik
  • Etnograpikal na Pag-aaral
    • Nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba't ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito
    • Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura, at iba pa
    • Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng naranasan o naobserbahan ng isang mananaliksik
  • Disenyong Eksploratori
    • Isinasagawa kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin
    • Ang pokus nito ay upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay-daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik
    • Layunin nitong makapaglatag ng mga bagong ideya at palagay o kaya ay makabuo ng mga tentatibong teorya o hypothesis tungo sa mas malalim na pagkaunawa sa paksa
  • Metodolohiya ng Pananaliksik
    • Sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik
    • Nagmula ito sa mga salitang Latin na methodus, na nangangahulugang patakaran o alituntunin, at logia, na nangangahulugang larangan ng pag-aaral
    • Isang organisadong larangan ng pag-aaral ng mga pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas ng bagong kaalaman
  • Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
    • Lilinawin ang disenyo ng pananaliksik at ang mga pamamaraan kung paano ito maisasakatuparan
    • Pamamaraan - Kung paanong mabibigyang-katuparan ang disenyo
    • Iba't ibang pamamaraan ang maaaring isagawa ng isang mananaliksik batay sa itinakdang suliranin ng pananaliksik
  • Sarbey
    Isang metodo ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik
  • Pakikipanayam o Interbyu
    • Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o 'di kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik
    • Semi-structured interview - Mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy ng panayam
    • Unstructured o walang estruktura ang pakikipanayam - Galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam. Maaari ding maging paksa ng panayam ang kuwentong-buhay o partikular na karanasan ng kalahok
  • Dokumentaryong Pagsusuri
    Ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin
  • Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon
    • Ginagamit ito sa mga uri ng pananaliksik na nangangailangan ng field study gaya ng etnograpiya
    • Pagmamasid ng mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos, interaksiyon, at pag-uugali sa pamamagitan ng gabay sa obserbasyon
  • Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
    • Nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik
    • Kabilang sa mga ito ay kung sino, tagasaan, o kaya ay kung sa anong institusyon o organisasyon may kaugnayan ang kalahok
    • Ibinibigay ng kalahok ang ilang batayang impormasyon gaya ng propesyon, edad, at kasarian depende sa pangangailangan ng pananaliksik
    • Ipinaliliwanag ang proseso ng sampling na pinagdaanan at kung ano ang dahilan o pinagbatayan sa pamimili ng kalahok
    • Ilalagay rin dito kung saan gagawin ang pananaliksik
  • Kasangkapan at Paglilikom ng Datos
    • Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik
    • Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrument
    • Kailangang laging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga suliranin ng pananaliksik
  • Paraan ng Paglilikom ng Datos
    • Nilalaman ang hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos
    • Kung kwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob sa bahaging ito ang iba't ibang estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos
    • Kung kwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paano isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o malilit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap. Ilalagay rin sa bahaging ito kung paano gagawing sistematiko ang presentasyon ng datos para sa mas madaling interpretasyon at pagsusuri