Piling Larang reviewer (All lesson)

Cards (47)

  • Kalihim
    Mahalagang kasangkot sa paggawa ng adyenda.
  • Pangulo/CEO/direktor/ pinuno ng samahan - kalimitang nagpapatawag naman ng pulong
  • Memorandum
    isang impormal na liham o ulat o isang palibot – sulat.( L. English) -isang anyong pasulat na maikling note na sinulat para ipaalam o ipaalala ang isang bagay; isang tala gaya ng pangyayari upang magamit sa hinaharap, isang impormal na komunikasyon gaya ng pang-opisina, at isang maikling pasulat na pahayag ng pagkakasunduan ng isang kontrata o transaksiyon.(Webster) -isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.(Prof. Ma Rovilla Sudaparsert)
  • Bahagi ng Memorandum
    Letterhead – Makikita sa bahaging ito ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon, o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero ng telepono.
    Para sa/kay/kina – Ang bahaging ito ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o grupong pinag–uukulan ng memo.
    Mula Kay – Ang bahaging ito naman ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.
  • Bahagi ng Memorandum
    Petsa – Sa bahaging ito, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 07/13/18 o 10/31/2020. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.
    Paksa – Ang bahaging ito ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at tuwiran upang agad na maunawaan ang nais ipabatid nito.
  • Bahagi ng Memorandum
    Mensahe – Kadalasang maikli lamang ang bahaging ito ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangang ito ay nagtataglay ng mga sumusunod: 1. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo.

    2. Problema – nakasaad dito ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin at hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
  • 3. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
    4. Paggalang o Pasasalamat – sa bahaging ito, wawakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang. 5. Lagda – Inilalagay ang bahaging ito sa ibabaw ng pangalan sa bahaging Mula kay. Puwede ring ilagay ang lagda sa pinakahuli matapos ang mensahe.
  • Uri ng Memorandum
    Memorandum para sa pagtugon – Ito ay isang uri ng pagsulat na ngagbibigay tugon o pagresponde sa alok ng isang partido o panig.
    Memorandum para sa kabatiran – Ito ay isang uri ng pagsulat na may layuning magbigay ng impormasyon sa isang grupo ng tao o sa pangkalahatan.
  • Uri ng Memorandum
    Memorandum para sa kahilingan – Ito ay isang uri ng pagsulat na humihingi ng pabor o hiling na gustong ipaabot sa taong namamahala ng isang bagay. Kapag sinasabi nating memorandum, ito ay nagbibigay ng importansiya kagaya ng batas na kailangan ng maigihang pag – iisip para sa katuparan ng kahilingan.
  • Adyenda
    talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong.
  • Katitikan ng Pulong
    Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano at pagkilos.
  • Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
    1. Heading – Naglalaman ito ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita dito ang petsa, lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
    2. Mga kalahok o dumalo – Dito
    nakalagay ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga lumiban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
  • Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
    Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – Makikita dito na ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
    Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito. Kasama sa bahagi ring ito ang mga hindi pa natapos o hindi nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong.
  • Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
    Pabalita o patalastas – Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
  • Lakbay - sanaysay

    ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay.
  • Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay – Sanaysay
    Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013), may apat na pangunahing dahilan sa pagsulat ng lakbay – sanaysay. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat. Isang halimbawa nito ay paggawa ng travel blog isang libangan at gayundin naman ay maaaring pagkakitaan. Marahil ay nakabasa ka na ng blog kung saan isinalaysay ng may–akda ang mga paglalakbay na kanyang isinagawa.
  • Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
    • Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. Tulad halimbawa ng ginawa ni Antonio Pigafetta na isang Venetian iskolar na tumungo sa Pilipinas kasama ni Ferdinand Magellan.
    • Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritualidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili. Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng daily journal o diary.
  • Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
    • Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritualidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili. Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng daily journal o diary.
    • Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. Tulad halimbawa ng ginawa ni Antonio Pigafetta na isang Venetian iskolar na tumungo sa Pilipinas kasama ni Ferdinand Magellan.
  • Photographic Essay o Photo Essay
    Ito ay isang set o serye ng mga larawan na naglalayong magbigay kuwento o pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Sinasabi ring isang sining at aghma angpagkuha ng larwan at ng sulatin ukol dito.
  • Dalawang Uri ng Sanaysay
    Pakay (Thematic) - tumutugon sa isang paksa o isyu; Paksang ‘Galaw ng Buhay’ - Kukunan ng larawan ang mga tagpong nagpapakita ng mga pagpupumilit sa buhay.
    Naratibo (Narrative) - Nagkukuwento sa kronolihikal na ayos; Paksang ‘BIYAHE SA CEBU’- Kukunan ang mga tagpo na nagpapakita ng pagpupumilit sa buhay sa kaparaanang sunod-sunod o kronolohikal na tagpo.
  • PAANO BA ANG PAGLALAGAY NG KAPSIYON
    Punch Line – nakasulat sa MALAKING LETRA at nakaPARIRALA.
    Maikling diskripsiyon – ginagamitan ito ng tanong na sa Ingles ay ‘5 wives and 1 husband’
  • Mga Pamantayan sa Pagpili ng Larawan
    Kahalagahang pang-etniko (Technical Value) - Mga larawang ganap, maliwanag, walang dumi o mantsa, at madaling kopyahin.
    Kahalagahang pang-editoryal (Editorial Value) - Tumutukoy sa larawang kawili-wili at nagsasalaysay
  • Replektibong sanaysay
    Isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa
  • Replektibong sanaysay
    Nagsisilbing midyum ng manunulat upang masuri ang sariling karanasan, kaisipan, damdamin, at pananaw tungkol sa napiling paksa at maibahagi ang mga aral na natutuhan rito sa kanyang mga mambabasa
  • Replektibong sanaysay
    Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan. Ito ay sa kadahilanang inaasahan na ang mambabasa ay nagsusuri rin at humuhusga sa halaga, bigat, at katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa (Garcia, 2017).
  • Posisyong Papel
    isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidual o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan. Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwiran ng kataliwas o katunggaling panig.
  • Kabuluhan ng Pagsulat ng Posisyong Papel
    Sa May-akda-pagpapalalim ng pagkaunawa sa tiyak na isyu pagkakataon na magtipon ng datos, organisahin ang mga ito, at bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa o usapin pagpapakilala ng sariling kredibilidad sa komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin.
  • Kabuluhan ng Pagsulat ng Posisyong Papel
    Sa Lipunan - tumutulong para maging malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan dahil madalas itong ibahagi sa publiko tulad na lamang ng paglathala nito sa pahayagan nagagamit itong batayan ng mga tao sa kanilang sariling pagtugon at pagsangkot sa usapin sapagkat ang posisyong papel ay madalas na nagtatapos sa isang panawagan ng pagkilos nakakapag-ambag ito sa paglutas ng mga suliranin ng lipunan kapag nahikayat ang lipunan sa akmang pagkilos na ninanais mula sa kanila
  • Pahayag ng tesis o Thesis Statement Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra sa kanilang aklat na Kasanayan sa Komunikasyon II (1997), ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon tungkol sa paksa na handang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos o ebidensya.
  • Counterargument
    Ang counterargument ay isang argumento na sumasalungat sa iyong tesis o bahagi ng iyong tesis. Ayon kay Oldham, ito ang nagbabahagi sa pananaw ng isang tao na hindi sumasang-ayon sa iyong posisyon.
  • Mga Katunayan o facts
    Ayon kay Constantino at Zafra (1997), isa ito sa dalawang uri ng ebidensyang magagamit sa pangangatuwiran. Ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama.
  • Mga Katunayan o facts
    Hindi kailangang ang mananaliksik o manunulat mismong ang nakaranas ng pangyayari, kundi ibang tao. Ang kanyang pahayag ay magagamit bilang testimonya o patotoo, tiyakin lamang na reliable o mapagkakatiwalaan ang testimonyang gagamitin. Tandaan din na hindi lahat ng itinuturing na katotohanan ay unibersal at panghabambuhay. Maaari itong mabago dahil sa mga bagong tuklas na datos at impormasyon batay sa pananaliksik.
  • Mga Opinyon
    Ito ang ikalawang uri ng ebidensyang magagamit sa pangangatwiran na tumutukoy sa pananaw ng mga tao na ipinapalagay na totoo (Constantino at Zafra,1997). Hindi ito katunayan kundi pagsusuri o judgment ng katunayan. Kung gagamiting ebidensya ang opinyon sa iyong sulating papel, kailangang manggaling ito sa taong may awtoridad na magsalita hinggil sa isyu o paksa.
  • Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
    Pagpili ng Paksa Batay sa Interes
    Ito ay upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat ay hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa. Nagagawang malawak ang pananaliksik ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong ideya.
  • Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong-Papel

    2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
    Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika.
  • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Posisyong-Papel
    Hamunin ang Iyong Sariling Paksa -
    Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel.
  • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Posisyong-Papel
    4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan -
    Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa inyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik. Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos. Maaari ring magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto o personal na karanasan ng isang mapagkakatiwalaang tao.
  • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Posisyong-Papel
    5. Lumikha ng Balangkas (Outline) Paano babalangkasin ang isang posisyong papel: a. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon (background information). Gumawa ng pahayag na tesis na iginigiit ang iyong posisyon. b. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon. c. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
  • d. Pangatwiranang pinakamahusay at nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na mga kontra-argumento (sa b at c). e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa posisyong papel, hinahasa ang ating kakayahan sa tamang paninindigan. Kakambal ng pagbuo ng sulating ito ang pangangalap ng impormasyon at mga ebidensya na magpapatibay sa ating posisyon sa isang usapin. Kung gayon, nararapat na ang bawat binibitawang katuwiran ay may basehan
  • Mga Mahahalagang Tao/Manunulat/Dalubhasa
    Sudaprasert (2014)-ayon sa kaniya, ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
    Prof. Ma Rovilla Sudaparsert- ayon sa kaniya, ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
    Dr. Darwin Bargo- ayon sa kanyang aklat na Writing in the Discipline (2014), ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod: