pagbasa (lesson 1)

Cards (14)

  • Pagsusuri ng Pananaliksik
    Ito ay isang pag-aanalisa upang mapag aralan at mabigyang kasagutan ang problema. Ito ang prinsipyo na ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong pag-aaral.
  • Layunin
    Isinasaad dito ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring ito maging panlahat at tiyak
  • Panlahat na layunin
    Ang isang layunin ay nagpapahayag ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik.
  • Tiyak na layunin
    Ang layunin ay nagpapahayag ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa.
  • Gamit
    Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
  • Metodo
    Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
  • Etika
    Ito ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik.
  • Layunin
    Sa bahaging ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.
  • Metodo
    Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.
  • Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik.
    Bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang ___________ at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
  • Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok.
    Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik.
  • Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.
    Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
  • Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik.
    Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito.
  • Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunin ng pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:
    1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin
    2. Makatotohanan o maisasagawa
    3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik