Pagbasa 3

Cards (165)

  • Pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino
    Pag-aanalisa upang mapag-aralan at mabigyang kasagutan ang problema
  • Prinsipyo ng pagsusuri ng pananaliksik
    • Hinihimay ang paksa sa mas maliit na bahagi at maunawaang mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito
  • Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa pagbuo ng isang saliksik
  • Apat na bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik
    • Layunin
    • Gamit
    • Metodo
    • Etika
  • Layunin
    Isinasaad ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa
  • Uri ng layunin
    • Panlahat
    • Tiyak
  • Gamit
    Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao
  • Metodo
    Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa
  • Paraan ng pagkuha ng datos

    • Sarbey
    • Interbyu
    • Paggamit ng talatanungan
    • Obserbasyon
    • Iba pa
  • Paraan ng pagsusuri ng datos
    • Empirikal
    • Komparatib
    • Iba pa
  • Etika ng pananaliksik
    Nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik
  • May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anomang larangan
  • Layunin
    Nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Tinutukoy ang adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. Isinusulat bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.
  • Paano bumuo ng layunin

    1. Nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik
    2. Ibinubuod ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik
    3. Nakasaad sa parang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin
    4. Makatotohanan o maisasagawa
    5. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik
  • Mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso
    • Matukoy
    • Maihambing
    • Mapili
    • Masukat
    • Mailarawan
    • Maipaliwanag
    • Masaliksik
    • Makapagpahayag
    • Mahanay
    • Maiulat/Makapag-ulat
    • Masuri/Makasuri
    • Nakapag-organisa
    • Makilala
    • Makapaghulo
    • Makabuo
    • Makabuo ng konsepto
    • Mailahad
    • Maibuod
    • Makagawa/Makapili
    • Maisa-isa
    • Magamit/Makagamit
    • Makapagsagawa
    • Makatalakay
  • Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang a mga tao
  • Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon
  • Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong imbension na may kaugnayan sa dating pananaliksik
  • Halimbawa
    • Noong una ay pinupuri ang pagkatuklas ng paraan upang mapabuti ang produksiyon ng ilang uri ng pagkain sa pamamagitan ng genetically modifed organism o GMO
    • Ngunit ngayon, inuugnay sa ilang sakit ang pagkonsumo ng mga pagkaing sumailalim sa modipikasyon o GMO
  • Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu
  • Halimbawa
    • Mga bagong tuklas na benepisyo ng marijuana upang malunasan ang ilang karamdaman
    • Marami pa rin an hindi sumasang-ayon na gawing legal ang paggamit ng marijuana
  • Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o idea
  • Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral ang isang umiiral na katotohanan
  • Metodo
    Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik
  • Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento
  • Halimbawa
    • Kung magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga tanong
    • Kung obserbasyon, kailangan din ang isang talaan o checklist a magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin sa obserbasyon
    • Kung sarbey naman ay questionnaire o talatanungan
  • Kailangang laging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga suliranin ng pananaliksik
  • Etika ng Pananaliksik
    Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong ion
  • Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik
    Ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong divalogo, kaya mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng yong pananaliksik
  • Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
    Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik
  • Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
    Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormason na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik
  • Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensitibong paksa
  • Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya'y ibahagi sa colloquium o publikason, kailangan pa ring ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik
  • Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuring mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral
  • Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito
  • Ito ay dahil sa mangilan-ngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahokang kinalabasan ng pag-aaral
  • Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan
  • Pagbibigay kahulugan
    Eksposisyon na tumatalakay o naglalahad ng depinisyon o kahulugan sa isang salita. Paglillinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan
  • Bawat disiplina o larang ay may mga jargon o teknikal na katangian na kinakailangan ng paglilinaw o pagpapaliwanag
  • Balangkas
    Nagsisilbing 'blueprint' o gabay sa pananaliksik. Mahalagang bahagi ng pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel at maiwasan ang paglihis sa paksang napili. Pundasyon ng tila binubuong gusali