Isyung Kaugnay sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad

Cards (14)

  • Pagtatalik bago ang kasal - gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa tamang edad o nasa edad man ngunit hindi pa kasal.
  • Mga dahilan kung bakit nakikipagtalik
    • pagpapahayag ng pagmamahal
    • normal na gawain
    • karapatan sa kasiyahan
  • Ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang, komitment, at dedikasyon sa katapat na kasarian.
  • Ang pornograpiya ay galing sa salitang Griyego “porne” na ang kahulugan ay prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
  • Ito ay biswal na representasyon ng sekswalidad na binabago ang sekswal na pananaw at pag-uugali ng tao, gayundin ang paningin patungkol sa pakikipagtalik at conjugal relationships (Fagan, 2009).
  • pornograpiya - Ito ay mga mahahalay na paglalarawan na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa
  • ginagamit ng mga pedophiles ang pornograpiyaupang makuha ang kanilang mga bibiktimahin
  • Ayon sa batas ng Pilipinas sa Revised Penal Code of the Pilipinas at Batas Republika Blg. 7610, ang pornograpiya ay ipinagbabawal na doktrina, publikasyon, paabas, at iba pang mga katulad na material o paglalarawan na nagpapakita ng imoralidad, kalaswaan at kalibugan
  • pang-aabusong sekswal - Ito ay anyo ng karahasan kung saan ang hindi ginusto o hindi inanyayahang sekswal na kilos o gawain ay pinilit ng isang salarin sa isang tao nang walang pahintulot nila, gamit ang pagbabanta, pananakot, o panloloko, at sanhi ng pagkabalisa at takot sa personal na kaligtasan ng nabiktima, anoman ang kasarian at edad nito
  • pedophile - tumutulong sa mga batang may mahinang kalooban subalit ang layunin pala ay maisakatuparan ang pagnanasa
  • ang prostitusyon ay sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain.
  • prostitusyon - Ito ay pangangalakal ng serbisyo ng pakikipagtalik kapalit ng pera o personal na pakinabang (Revised Penal Code). Binabayaran ang pakikipagtalik upang ang tao ay makadama ng kasiyahang sekswal.
  • Isa sa mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkakaranas ng kasiyahang seksuwal mula sa pakikipagtalik sa taong pinakasalan
  • Sa prostitusyon, ang kaligayahan ay nadarama at ipinadarama dahil sa perang ibinabayad at tinatanggap.