Basilio - Nagpaalipin kay Kapitan Tiago upang makapag-aral.
BenZayb - Mamamahayag na malaya raw mag-isip
Camaroncocido - Namamalimos lamang. Wala siyang pakialam sa pinagkakaguluhan ng marami.
DonCustodio - Naging tagapayo ng Kapitanheneral.
Kapitan Tiyago -Nawala sa direksiyon ang pamumuhay niya nang pumasok na si Maria Clara sa monasteryo
Ginoong Pasta - Alila ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong Pilipino
Isagani - Makata o manunugma. Mahusay makipagtalo
Makaraig - Mag-aaral sa abogasya
MataasNaKawani - Isang Kastila, kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan.
Padre Camorra - Walang galang sa mga kababaihan lalo na sa magagandang dilag.
Padre Fernandez - Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag-aaral ng wikang Kastila
Padre Florentino - Pinilit lamang ng ina na maging lingkod ng Diyos dahil sa panata.
Padre Millon - Propesor sa Pisika at Kemika
TiyoKiko - Matandang pandak at buhay na buhay ang mga mata
Simoun - Napakayamang mag-aalahas. Matalik na kaibigan at tagapayo ng Kapitanheneral. Siya ay makapangyarihan kaya iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at ng mga prayle.