Unit 14

Cards (9)

  • Ang Reproductive Health Law o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354) ay isang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng universal access para sa kontrasepsyon, fertility control, maternal care, at sex education.
  • Ang batas na ito ay sinimulang isulong noong 2011 at naisabatas noong Disyembre 21, 2012.
  • Isyu ng moralidad – Ayon sa mga bumabatikos sa Reproductive Health Law, hindi ito dapat ipinatutupad sapagkat ito ay lumalabag sa batas ng moralidad.
  • Isyu ng relihiyon – Ang mga bahagi ng batas na tungkol sa pagsasaayos ng serbisyo para sa mga nagdadalang-tao ay sinuportahan ng marami, subalit ang pagtutol ay nakapokus sa bahagi ng batas na nagsasaad ng kontrasepsyon para sa kababaihan.
  • Family Planning- Ayon sa Seksiyon 7 ng batas, ang lahat ng pampublikong pasilidad pangkalusugan ay kinakailangang magkaroon ng kapasidad na makapagbigay ng iba’t ibang modernong family planning method na sumasaklaw sa konsultasyon, mga suplay ng iba’t ibang kontrasepsyon, at mga paraan upang matulungan ang mahihirap na gustong magkaanak.
  • Maternal Health Services at Neonatal, Infant, Child Health, at Nutrition
    Services- Ayon sa Seksiyon 5 ng batas, ang mga pamahalaang lokal sa Pilipinas ay kinakailangang magtalaga ng mga nars, barangay health worker, doktor, at mga nagpapaanak upang matulungan ang kababaihan na mas madaling makakuha ng serbisyong maternal.
  • Adolescent at Youth Reproductive Health Services- Ang Seksiyon 14 ay tumatalakay sa Age and Development Appropriate Reproductive Health Education kung saan naglalayon ang estado na magbigay ng edukasyong sekswal na naaayon sa edad at kapasidad ng mga kabataan.
  • Sexually-Transmitted Diseases at Iba pang Sakit- Isinasaad ng Seksiyon 12 na ang lahat ng sakit na may kinalaman sa reproductive health, kagaya ng mga sexually-transmitted infections (STI), HIV/AIDS, at reproductive tract cancers ay maaaring bigyan ng pinakamataas na uri ng benepisyo mula sa PhilHealth.
  • Violence Against Women- Isinusulong ng batas na ito ang hindi pagtanggap sa pagmamaltrato sa kababaihan, lalo na kung dala ng kaniyang kasarian.