Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa lawak ng naaabot nito
Ang magandang balita, wikang Pilipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa
Mga uri ng programa sa telebisyon na gumagamit ng wikang Filipino
Teleserye
Pantanghaling palabas
Magazine show
News and public affairs
Komentaryo
Dokumentaryo
Reality TV
Mga programang pang-edukasyon
May mangilan-ngilang programa sa wikang Ingles, subalit ang mga ito'y hindi sa mga nangungunang estasyon, kundi sa local na news TV
Ang mga programa sa wikang Ingles ay madalas inilalagay hindi sa primetime, kundi sa gabi kung kailan tulog na ang nakararami
Ang pagdami ng palabas na pantelebisyon, partikular ang mga teleserye, telenobela, at mga pantanghaling programa ay dumarami
Ito ay sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood na isa sa mga malalaking dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino
Malakas ang impluwensiya ng mga programang ito na gumagamit ng wikang Filipino sa mga manunuod
Hindi kasi uso ang mag-subtitle o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal
Ang madalas na eksposyur sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino
Maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan
Sa mga probinsya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit, ay ramdam ang malakas na impluwensiya ng wikang ginagamit sa telebisyon
Makikita sa mga paskil o babalang nasa paligid ng mga lugar na ito ang paggamit ng wikang Filipino tulad ng "Bawal Pumarada Rito" o "Bawal Magtapon ng Basura Rito"
Kapag nagtanong ka ng direksiyon sa wikang Filipino ay sasagutin ka rin ng wikang Filipino
Patunay ang mga ito na habang dumarami ang manonood ng telebisyon ay lalong lumalakas ang hatak ng midyum na gumagamit nito sa mga mamamayan saanmang dako ng bansa at maging ng mundo
Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo
Ang halos lahat ng estasyon ng radyo sa AM o FM ay gumagamit ng iba't ibang barayti nito
May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo-broadcast, subalit, mas nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino
May mga estasyon ng radyo sa probinsiyang may mga programang gumagamit ng rehiyonal na wika, pero kapag may kinapanayam, sila ay karaniwan sa wikang Filipino nakikipag-usap
Sa mga dyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid, maliban sa People's Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles
Tabloid ang mas binibili ng masa o mga karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa, at iba pa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan
Kaya naman masasabing mas malawak ang impluwensya ng mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino
Ang antas ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi pormal na wikang karaniwang ginagamit sa mga broadsheet
Nagtataglay ito ng pula, malalaki, at nagsusumigaw na ulo ng mga balita na naglalayong makaakit agad ng mambabasa
Ang nilalaman ay karaniwan ding sensasyunal at litaw sa mga ito ang mga barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino
Bagama't mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipapalabas sa ating bansa, ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood
Katunayan, sa 20 nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014 batay sa kinita, lima (5) sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista
Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Filipino, tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes a Man and a Woman, Bride for Rent, You're My Boss, You're Still the One, at iba pa
Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika
Hindi na nga maikakailang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula
Ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasa na makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin upang kumita nang mas malaki
Subalit, hindi rin mapasusubalian ang katotohanan dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media at mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa wikang Filipino
Ito ay isang mabuting senyales para sa pag-unlad at paglago ng ating wikang pambansa
Bagama't laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyunalismo
Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, tila nangingibabaw na layunin ay manlibang, at lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan
Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga taong tumatangkilik nito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino, kundi magamit din ito ng mga nasabing midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating wika
Fliptop
Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap, nahahawig sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma; bagama't sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan
Karaniwang ang mga salitang ibinabato sa fliptop ay hindi pormal at maibibilang sa iba't ibang barayti ng wika
Pangkaraniwan na ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban