Aralin 7: Pagpili ng Paksa

Cards (15)

  • Sulatin Pananaliksik - ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
  • Ayon kina Constantino at Zafra (2010) - Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsususuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunay o pasubalian.
  • Ayon kina Galero-Tejero (2011) - Ang pananalisik ay may tatlong mahahalagang layunin:
    1. Isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya
    2. Mula sa pananaliksik ay malalaman o mamabatid ang katotohanan sa teoryang ito
    3. Isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
  • Katangian ng Pananaliksik
    1. Obhetibo
    2. Sistematiko
    3. Napapanahon o Maiuugnay sa Kasalukuyan
    4. Empirikal
    5. Kritikal
    6. Masino, Malinis at tumutugon sa Pamantayan
    7. Dokumento
  • Katangian ng Pananaliksik
    Obhetibo - Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galling sa opiniyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
  • Katangian ng Pananaliksik
    Sistematiko - Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
  • Katangian ng Pananaliksik
    Napapanahon o Maiuugnay sa Kasalukuyan - Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy ito ang petsa) nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at sa kalalabasan ay maaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
  • Katangian ng Pananaliksik
    Emperikal - Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at o na obserbahan ng mananaliksik.
  • Katangian ng Pananaliksik
    Kritikal - Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
  • Katangian ng Pananaliksik
    Masino, Malinis, at tumutugon sa Pamantayan - Nararapat itong sumusunod sa mga pamantayang inilalahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
  • Katangian ng Pananaliksik
    Dokumento - Nagmula sa mga materyales ang mga impormasiyon at datos.
  • Mga Uri ng Pananaliksik
    1. Basic Research
    2. Action Research
    3. Applied Research
  • Mga Uri ng Pananaliksik
    Basic Research - Ito ay makapagbibigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
    Halimbawa: Paggamit ng Facebook, Vandals at Boy Band
  • Mga Uri ng Pananaliksik
    Action Research - Ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga espsipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
    Halimbawa: Pangkatang Gawain ang inyong Klase sa Filipino, Academic at Part time Job.
  • Mga Uri ng Pananaliksik
    Applied Research - Ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.
    Halimbawa: Bullying at Gang