AP (Pre-Finals)

Cards (37)

  • Opium Wars
    1. Pinawasak ni Commissioner Lin Zexu ang tone-toneladang opya sa Canton
    2. Dahil hindi sinagot ng monarkiyang Ingles ang kanyang sulat-protesta tungkol sa pagtigil ng pagpuslit ng opyo sa China
    3. Sa dalawang digmaang apyo ay parehong natalo ang China
  • Kasunduang Nanking (1842)
    • Pagbayad ng 21 milyong dolyar na bayad-pinsala
    • Pagbubukas ng apat na daungan
    • Pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Ingles upang hanan ang Hong Kong
  • Macao
    Ang unang kolonya ng mga Europeo sa Asya (1657-1999)
  • Extraterritoriality
    Hindi pangingialam ng isang bansa sa dayuhan habang ito ay nasa loob ng bansa
  • Opyo
    Isang tradisyonal na halamang gamot na may negatibong epekto sa tao kapag mali ang paggamit
  • Polo y Servicio
    Sapilititang pagtatrabaho ng mga lalaking 16 hanggang 60 taong gulang
  • Tributo
    Buwis na ibinabayad ng mga Pilipino sa pamahalaan ng Espanyol upang gamitin sa sandatahang-lakas, pagpapatayo ng mga gusali , at paggagalugad ng mga lupaing sasakupin
  • Tabako
    Ipinag-utos ng gobyernong Espanyol na magkaroon ito ng monopoly sa Pilipinas
  • Sanduguan
    Sinaunang ritwal ng pakikipagkasunduan kung saan ang dalawang panig ay magpapatak ng dugo sa kanilang alak bago ito inumin.
  • First Pampanga Revolt (1585 - 1856)
    Lugar: Pampanga
    Dahilan: galit sa mga encomendores (Spanish Landowners) na inalis ang kanilang mga karapatan bilang nga datu.
  • Dagohoy Revolt (1744 - 1829) - 85 taong pag-aaklas

    LugarBohol
    Dahilan: inihustisya sa paglilibing sa kapatid ni Dagohoy.
  • Pule Revolt (1840 - 1841)

    Lugar: Katagalugan
    Dahilan: Serkularisayon ng simbahan at pagtatag ng sarili samahan ni Apolinario de la Cruz o Hermano Pule.
  • Laban para sa Serkularisasyon
    Pinamunuan ni Padre Pedro Palaez ang unang Serkularisasyon ng mga Pilipinong pari. Nang mamatay sa isang lindol si Palaez, pumalit sakanya si Padre Jose Burgos.
  • Rebelyong Taiping (1850 - 1864)

    Pinamunuan ni Hung Ch'uan laban sa Dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu. Naniniwala rin siya na siya ay direktang kapatid umano ni Hesukristo at misyon niyang ipalaganap ang Kristiyanismo sa China.
  • Rebelyong Boxer (1899 - 1901)

    Pinangunahan ng mga miyembro ng samahang I-ho Chu'an o Righteous and Harmonious Fist upang palayasin ang lahat ng mga dayuhan sa China.
  • Spheres of Influence
    Ang bawat isa sa mga bansang ito ay may kanya-kanyang saklaw ng impluwensya sa China, ibig sabihin, ito lamang ang bansang may mga karapatan sa pangangalakal sa bahaging iyon ng China.
  • Open Door Policy (1899)

    Dahil walang sphere of influence ang USA sa China, pinairal nila ang Open Door Policy upang magkaroon sila ng karapatan sa kalakalan.
  • Marxism
    Ang kaisipang ito ay mula kay Karl Marx, isang ekonomikong German, na iginiit na ang pagkapantay-pantay ng mga mamayanan at mahihirap sa lipunan ay makakamtan lang sa pamamagitan ng rebolusyon ng mga manggagawa.
  • Federation of Malaya
    Naging bahagi ng Malaysia ang Singapore noong 1963 sa Federation of Malaya ngunit humiwalay rin ito.
  • Meritocracy
    ang pag-upo sa posisyon sa gobyerno ay para lamang sa mga taong may sapat na kredibilidad.
  • Indonesia vs Netherlands
    Para kay Archmed Sukarno, ang malawakang kahirapan ng mga Indonesian ay dahil sa pananakop ng Netherlands. Naging Maimpluwensiya sa mga tao si Sukarno dahil sa pagiging bihasa niya sa pananalita.
  • Vietnam War
    Natalo ng mga Vietnamese ang France ngunit nahati ang kanilang bansa sa dalawa dulot ng Cold War. Naging komunista ang Hilaga habang demokratiko ang Timog. Sa huli, ang nahating bansa ay naging buo muli nang umalis ang puwersa ng Amekira sa Vietnam.
  • Myanmar vs Britain
    Gamit ang husay ni Aung San sa pagtatalumpati, tahasan niyang binatikos ang mga Ingles. Nakipagdundo siya sa mga Hapones noong World War 2 upang mapaalis ang Ingles sa Burma. Sa huli, nalaman niyang nais din silang sakupin ng mga Hapones kaya pinili niya makipagsundo sa mga British hanggang sila ay ganap na palayain noong 1947.
  • Cambodia vs France
    Hindi pinagtuunan ng pansin ng mga French ang edukasyon ng mga Cambodian. Gayunpaman, may ilang mayayaman ang nakapag-aral at sila ang nanguna sa laban para sa kalayaan. Ipinalimbag nina Pach Chhoeun at Son Ngoc thanh ang Nagara Vatta (Angkor Wat) sa wikanf Khmer upang tuligsain ang mga French pati mga Vietnamese na higit na pinapaboran noon ng mga French dahilan para sila ay manamantala.
  • Republic of China
    Sa kanyang pagsulong ng Nasyonalismo, Demokrasya, at Kabuhayang pantao, kinilala si Dr. Sun Yat-sen bilang "Ama ng Republikang Tsino" at kanya ring itinatag niya ang Partidong Nasyonalista.
  • Open Door Policy (1853)
    Matapos ang Sakoku o isolation ng Japan sa loob ng 214 na taon, dahil sa ayaw nilang Maimpluwensiyahan ng mga kanluranin at maging Kristiyano, muling binuksan ng mga Hapones ang kanilang bansa para sa mga Kanluranin.
  • Hermit Kingdom
    Nanatili ang Korea bilang isang buong bansa mula sa pananakop ng mga Kanluranin. Sila ay tila nagtago sa mundo upang hindi sila mapasok ng mga Europeo. Subalit dahil sa Cold War, nahati ang bansa sa dalawa mula sa 38th parallel. Ang North Korea ay naging komunistang bansa habang demokratioko naman ang South Korea.
  • Isa pa sa mga nanguna sa laban para sa kalayaan ng mga Cambodia ay si Hem Chieu, isang Budistang monghe na naging aktibo sa politika. Nang siya ay ikinulong ng mga French, nagsagawa ng malawang kilos-protesta ang mga Khmer Krom, isang kilusang nasyonalista.
  • Geneva Peace Conference (1954)
    Ito ang kasunduang ganap na nagpalaya sa Vietnam, Cambodia at Laos.
  • Meji Restoration
    Sa pamumuno ni Emperador Mutsuhito, nagsimula ang Meiji Restoration. Tinagurian din ito bilang "enlightened rule" o "Honorable Restoration" dahil sa mga pagbabagong naganap sa Japan. Ang pagyakap ng mga Hapones sa impluwensiyang Kanluranin ang nagpalakas sa kanila at nagdulot ng modernisasyon ng bansa.
  • Kasunduang Wanghia 1844
    ang pagbubukas ng 5 daungan para sa mga Amerikano.
  • Kasunduang Wangpoa 1844
    ang pagbubukas ng 5 daungan para sa mga Prances.
  • kasunduang nanking 1842

    ang pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Ingles upang pamahalaan ang Hong Kong.
  • Treaty of Aigun 1858
    ang pagtakda ng hangganan ng teritoryo ng Russia kung saan nakuha nito ang Northeast Manchuria at Sea of Japan access.
  • Treaty of the bogue 1843
    ang pagkilala sa pantay na kapangyarihan ng Qing at England sa China.
  • Treaty of tianjin 1860
    ang pagbayad ng 3 milyong pilak sa Britain at 2 milyong pilak sa France, kasama na dito ang pagbubukas ng 10 pang daungan sa Britain at ang pagkontrol ng France sa Northern Vietnam.
  • Treaty of Shimonoseki 1895

    pagsuko ng China sa ilang teritoryo nito kabilang ang Taiwan.