Noong Panahong Renaissance o Muling Pagsilang, umunlad nang husto ang kalakalan.
Halimbawa nito ang KrusadasaIsrael at si MarcoPolo na nagsulat tungkol sa Tsina.
Noong ika-14 na siglo, sinalakay ng mga Seljuk Turk ang malaking bahagi ng silangang rehiyon ng Mediterranean Sea.
Isinarado ang dalawang ruta at nanatiling bukas ang isa. Subalit, tanging Italya lamang ang maaaring gumamit nito, kapalit ng kaukulang pabor o bayad.
Nanguna ang Portugal sa pagtuklas ng bagong ruta patungong Asya, gamit ang direksiyon patungong Aprika.
Dahil dito, nagkaroon ang Portugal ng mga “tuklas” na lugar tulad ng Medeiara at Asores Islands, Cape Verde Islands, at Cape of Good Hope.
ang bagong tuklas na daan ni Vasco da Gama.
Kaugnay nito, nagkaroon ang Espanya ng mga tuklas, kagaya ng Mga Amerika at Karagatang Pasipiko.
Subalit, bigo ang Espanya sa layuning makahanap ng bagong ruta patungo sa Asya, hanggang sa pamamagitan ng Ferdinand Magellan ay aksidenteng narating ang Pilipinas.
ang 3Gs na kumakatawan sa Gold, Glory, at God.
Ang krus ay simbolo ng Katolisismo na ang layunin ay maipalaganap ang mga aral ng Katolisismo, samantalang ang espada ay simbolo ng kapangyarihan ng pamahalaang monarkiya.
Ang “krus at espada” ay laging magkasama sa pananakop ng mga Europeo, lalo na ng Espanya.
Mula sa mga naunang pag aaral, nalaman natin ang dalawang paraang ginamit ng mga Kanluranin upang makontrol ang kanilang kolonya: ang tuwiran at hindi tuwiran
ginamit ng mga mananakop ang paraang “paghahati at pananakop,” sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa ilang katutubong pangkat at paggamit sa mga grupong ito upang sakupin ang iba pang grupo.
Ang kapitalismo ang sistema o prinsipyong pang-ekonomiya na may pribadong pag-aari ng kapital at malayang paligsahan sa pamilihan.
Ang opyo ay mula sa halamang namumulaklak (opium poppy).
Noong 1839, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Tsino at Ingles dahil sinira ng mga opisyal na Tsino sa Canton ang mga opyo na ibinibenta ng mga Ingles.
Nagwakas ang Unang Digmaang Opyo sa pamamagitan ng Kasunduan sa Nanking noong Agosto, 29, 1842.
Noong 1856, muling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Tsina at Britanya
Sa bisa ng Kasunduan sa Tianjin, pumayag ang Tsina na magbukas ng karagdagang 11 daungan para sa kalakalan.
Binigyan ang mga Kanluranin ng pribilehiyo ng extraterritorality, na sa pamamagitan nito, ang sinumang Kanluranin na makagagawa ng kasalanan o krimen sa Tsina ay hindi lilitisin sa hukuman ng Tsina.
Noong 1899, iminungkahi ng Estados Unidos sa mga Europeo ang Open Door Policy.
Noong 1853, ipinadala ng pangulo ng Estados Unidos si Matthew Perry sa Hapon upang hilingin sa mga Hapones na buksan ang kanilang bansa sa kalakalan.
Sa pamamagitan ng Kasunduang Kanagawa, pormal na pumayag ang Hapon sa kagustuhan ng Estados Unidos.
Sumiklab ang DigmaangAnglo-Burmese noong 1824 nang salakayin ng Myanmar ang Arakan, Assam, at Manipur.
Sa pagkagapi ng Myanmar, wala itong nagawa kung hindi ang pumirma sa isang kasunduan sa pagitan nila ng Britanya, ang Kasunduang Yandabo.
Bahagi ng dating Indochina ang mga bansang Vietnam, Cambodia at Laos.
Samantala, dahil sa pagtutol ng Thailand (dating Siam), pinatalsik nito ang dalawang kinatawang Pranses sa kanilang bansa. Bilang bayad-pinsala, hiniling ng Pransya ang kaliwang bahagi ng Ilog Mekong, ang lugar na kinaroroonan ng Laos.
Ipinanukala ni Thomas Stamford Raffles ng Britanya ang pagtatatag ng isang daungan sa timog ng Malaysia (dating Malaya) upang hamunin ang katatagang ito ng mga Olandes.
Humina at tuluyang nabuwag ang Dinastiyang Qing/Manchu.
Naitatag ang Republika ng Tsina sa ilalim ng pamumuno ni Sun Yat Sen.
Inaayos ni Emperador Meiji ang pamahalaan ayon sa modelo ng mga bansa sa Kanluran.
Nagtatag ang mga Hapones ng mga bangko at makabagong sistema ng pananalapi na tinawag na yen.
Nagkaroon sila ng zaibatsu o malalaking kompanyang tumulong sa pagpapaunlad ng bansa.
Nabuo ang Imperial Rescript in Education na nagsilbing gabay sa kagandahang-asal ng mga Hapones.
Nanatili sa Dinastiyang Nguyen ang pamumuno sa Vietnam
Sa patakarang open door policy, papayagan ng mga bansang may sphere of influence ang ibang bansa na makipagkalakalan sa kanila sa pantay na katayuan o sitwasyon.