EPP L2

Cards (30)

  • Ulo
    Itaas na bahagi ng makina
  • Balance Wheel
    Maliit na gulong sa gawing kanan ng ulo na umiikot sa pamamagitan ng kurdon
  • Spool Pin
    Nasa itaas na bahagi ng ulo ng makina kung saan inilalagay ang karete ng sinulid
  • Bobbin Winder
    Malapit sa balance wheel, nag-iikid ng sinulid ng bobina
  • Stitch Regulator
    Nasa ibaba ng bobbin winder, inaayos at kinokontrol ang haba ng mga tahi
  • Tension Regulator
    Inaayos ang luwag o higpit ng mga tahi ng makina
  • Thread Take-Up Lever
    Hinihila paitaas ang labis na sinulid
  • Needle Bar
    Dito inilalagay ang karayom at nagdadala ng sinulid sa ibabaw habang nananahi
  • Presser Foot
    Pumipigil at gumagabay sa tela habang nananahi
  • Presser Bar Lifter
    Bahaging nagtataas at nagbababa sa presser foot
  • Face Plate
    Takip na matatagpuan sa bandang kaliwa ng braso na maaaring alisin upang maparaan ang needle bar
  • Stop-Motion Screw
    Malaking turnilyo sa gitna ng balance wheel, maaaring luwagan upang matigil ang galaw ng makina o sikipan upang mapaandar
  • Kama
    Patag na bahagi ng makina kung saan nilalatag ang tela na tatahiin, dito rin isinasagawa ang pananahi
  • Throat Plate
    Makinis at makintab na metal sa ibabaw ng kama na dinaraanan ng karayom at sinulid
  • Feed Dog
    Nasa ilalim na bahagi ng presser foot, may mga ngipin na gumagalaw na siyang nag-uusad sa tela habang tinatahi
  • Slide Plate
    Makinis at makintab na metal na nasa gawing kaliwa ng kama na binubuksan kung aalisin o ilalagay ang bobbin case
  • Bobbin Case
    Dito inilalagay ang bobbin o bobina
  • Bobbin
    Matatagpuan sa ilalim ng makina kung saan nilalagay ang sinulid
  • Ibaba ng Makina
    Dito isinasagawa ang pagpapadyak sa pananahi
  • Belt
    Katad o leather na nag-uugnay sa maliit na gulong sa ibabaw at sa malaking gulong sa ilalim ng makina
  • Band Wheel
    Makikita sa gawing kanan sa ilalim ng kabinet ng makina, malaking gulong sa ibaba na kinakabitan ng koreya at nagpapaikot sa balance wheel
  • Treadle
    Dito pinapatong ang mga paa at pinapadyak nang pataas at pababa upang umikot ang malaking gulong sa ilalim
  • Band Wheel Crank
    Bahaging nagpapaikot sa malaking gulong sa ilalim ng makina
  • Pitman Rod
    Mahabang bakal na naghuhugpong sa treadle at sa band wheel
  • Belt Guide
    Pumapatnubay sa belt upang hindi ito mawala sa lugar
  • Mga Panuntunang Pangkalusugan
    • Maupo nang maayos, ituwid paminsan-minsan ang likod
    • Ilagay ang makina kung saan ang liwanag ay nanggagaling sa ibabaw ng balikat
    • Iwasan ang direktang liwanag o nakasisilaw na ilaw
    • Maghugas ng kamay bago manahi
    • Gunting lamang ang gamitin sa pagputol ng sinulid
    • Linisin ang gawaan at alisin ang mga retasong tela at mga hibla ng sinulid
  • Mga Panuntunang Pangkaligtasan
    • Mag-ingat sa paghawak ng matutulis na gamit
    • Iuna ang hawakan kung iaabot ang gunting sa ibang tao
    • Iwasang mailagay ang mga daliri sa ilalaim ng presser foot
    • Ipatong ang gunting sa gawing kanan ng makina
    • Maging maingat sa paggamit ng karayom at aspile
  • Wastong Paggamit ng Makinang De-padyak

    1. Alamin ang mga bahagi at gamit nito
    2. Paandarin ang makina sa pamamagitan ng pagpapaikot ng balance wheel at pagpadyak ng treadle
    3. Magsanay sa pagpapadyak ng treadle
    4. Ilagay ang tela sa ilalim ng presser foot at ibaba ang presser bar lifter
    5. Simulan ang pagpapadyak at sikaping tuwid ang mga tahi
    6. Ingatan ang mga kamay, iwasan ilagay sa ilalim ng karayom
    7. Kontrolin ang pagpapatakbo ng makina lalo na kapag malapit na sa dulo
    8. Itaas ang presser bar lifter, hilahin ang tela sa likod at galawin ang balance wheel upang mahila ang sinulid
    9. Gupitin ang sinulid gamit ang gunting
  • Paglalagay ng Sinulid o Threading
    1. Luwagan ang turnilyo na nagpipigil sa gulong
    2. Ilagay ang bobbin sa kidkiran, idiin paibaba
    3. Ilagay ang sinulid sa spool pin, idaan sa tension regulator
    4. Isuot sa magkasunod na dalawang panggabay ng sinulid at ang huli sa butas ng karayom
    5. Hilahin nang bahagya ang dulo ng sinulid at hawakan ito pagulungin ang balance wheel upang makuha ang sinulid mula sa bobbin
    6. Pagsamahin ang dalawang sinulid at ilagay sa likuran ng presser foot
  • Wastong Pangangalaga sa Makinang De-padyak
    1. Linisin ang makina, tanggalin ang mga hibla ng sinulid at alisin ang mga dumi
    2. Lagyan ng langis na pangmakina ang mga bahagi nito
    3. Tanggalin ang sinulid at bobbin
    4. Tanggalin ang belt mula sa band wheel upang matiklop ang ulo ng totinale makina at mailagay sa ilalim ng kahon nito at itakip ang patag na bahagi