SOSLIT

Cards (53)

  • Nanggaling ang salitang panitikan mula sa "pang|titik|an", kung saan ikinabit ang unlaping "pang" at hulaping "-an" sa salitang ugat na titik.
  • Noong 1983, para kay Arrogante, "ang panitikan ay isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay na napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kaniyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan".
  • Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang, "isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kaniya, isa rin itong kakaibang karanasanv pantaong natatangi sa sangkatauhan".
  • Mga uri ng panitikan
    • Kathang-isip
    • hindi kathang-isip
  • Dalawang pangunahing anyo ang panitikan
    1. Tuluyan o prosa
    2. patula o panulaan
  • Sosyolohikal-panlipunan
    • relasyon ng tao sa lipunan
  • Pormalistiko o pang-anyo
    • matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Pinagtutuunan ng pansin ang estruktura o pagkabuo.
  • Sikolohikal
    • nagpapakita ng isang ekspresibong pananaw. Antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinapahalagahan. Konsepto, prinsipyo, at mga modelo na ginagamit upang maunawaan at maipaliwanag ang mga proseso ng pag-iisip, pag-uugali at karanasan ng tao.
  • Panunuring pampanitikan - ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba't ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag unawa sa malikhaing manunulat at katha.
  • Pagdulog
    1. Pormalistiko
    2. Moralistiko
    3. Sikolohikal
    4. Sosyolohikal
  • Pananalig
    1. Klasisismo
    2. Romantisismo
    3. Impresionismo
    4. Ekspresionismo
    5. Eksistensiyalismo
    6. Feminismo
  • Moralistiko - pinapahalagahan ang moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.
  • Sosyolohikal - layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at sulitaning panlipunan.
  • Klasisismo - maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng mga estado sa buhay. Pinangingibabaw ang kaisipan kaysa sa damdamin.
  • Romantisismo - binibigyang halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas. Reaksyon ng klasisimo, dahil nangingibabaw rito ng damdamin kaysa sa isip.
  • Realismo - tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.
  • Impresyunalismo - kasanayan sa panitikan na nagbibigay diin sa mga agarang aspeto ng mga bagay.
  • Feminismo - naglalayong iwasto ang mga maling pananaw tungkol sa kahalagahan, tungkulin, at kahulugan ng babae sa lipunan.
  • imahismo - ginagamit ang wika at simbolo upang epektibong maihatid ang wastong imahe ng magbibigay daan sa wastong mensahe.
  • Arkitaypal - timatawag din na mitolohiko o ritwalismo. Ayon kay Plato, nagmula ito sa salitang "arche" na ibigsabihin ay orihinal at "typos" na ibigsabihin ay porma.
  • Mga bahagi ng panunuring pampanitikan:
    1. Pamagat
    2. Panimula
    3. Paglalahad ng Tesis
    4. Katawan
    5. Konklusyon
  • pamagat - binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa na iyong ilalahad sa paghihimay.
  • Panimula - impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis.
  • Paglalahad ng Tesis - kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng layunin ng iyong sanaysay - ang puntong iyong gusto iparating.
  • Katawan - naglalaman ng paliwanag ng ideya at katibayan mula sa teksto.
  • Konklusyon - ang buod ang mga pangunahing punto.
  • Bayograpikal - ang manunulat ay angsusulat ng mga bagay na lersonal niyang nararanasan at nakikita sa kaniyang paligid.
  • Humanismo - ang tao ay rasyunal na nilalang na may kakayahang maging makatitohanan at mabuti.
  • Lipunan - tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
  • Dalawang uri ng kultura
    1. Materyal
    2. Di-materyal
  • Mga elemento ng kultura
    1. paniniwala
    2. pagpapahalaga
    3. norms/mores
    4. simbolo
  • Isyung ekonomiko - pagkawala ng trabaho
  • isyung panlilunan - pampublikong usapin, nakakaapekto hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa isang malaking bahagi ng lipunan.
  • Problemang Pangkapitbahayan - komunidad na may mataas na na drop out rate sa hayskul.
  • Diskriminasyon sa edad - problema sa lipunan na ang sanhi ay ang pagtangi sa edad ng isang tao.
  • Problemang Pantrabaho - hindi pantay ang sahod, pagnanakaw, papoot ng ibang lahi.
  • mga kritikong pilipino at banyaga:
    1. Alejandro C. Abadilla
    2. Teodoro Agoncillo
    3. Clodualdo Del Mundo
    4. Virgillo S. Almario
    5. Lamberto E. Antonio
    6. Lope K. Santos
  • Paniniwala - kahulugan at paniwala tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
  • Pagpapahalaga - Maituturing itong batayan ng isang grupo o lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.
  • Norms - tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan ng isang lipunan.