Isang paraan upang matiyak ng pamahalaan na maunlad ang lipunan ay sa pamamagitan ng pagtutuon ng sapat na pansin sa edukasyon.
Madrasah
Paaralang Muslim sa Sulu na ipinatayo ng unang sultan na si Abubakr.
Madrasah
Ang mga paaralang ito ay may layuning maituro sa mga Muslim ang mga batayang kaalaman hinggil sa Islam lalo na ang tungkol sa Qurán.
Spanish Period
Ipinakilala nang kanluraning sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo sa bansa ng mga kolehiyo at unibersidad na pinangasiwaan ng mga ordeng relihiyoso.
Kalalakihan
Nag aaral ng kasaysayan, agham, matematika, at iba pa.
Kababaihan
Nag aaral ng relihiyon, musika, at gawaing bahay.
Unibersidad ng Santo Tomas
Pinamahalaan ng mga Dominikano at itinuturing na pinakamatandang unibersidad sa buong asya.
Colegio de Santa Isabel
Kolehiyong pambabae
Royal Decree of 1863
Nagpatayo ang pamahalaang kolonyal ng mga paaralang primarya para sa mga batang lalaki at babae sa bawat bayan at ang mga ito ay pinangasiwaan ng pamahalaang lokal.
20 Dalagang taga-Malolos
Nagpatayo ng paaralan upang matuto ng wikang Espanyol at iba pang asignatura ng hindi itinuturo sa mga paaralang pambabae sa nasabing panahon.
Act No. 74 of 1901
Nagpatayo ng mga pampublikong paaralan para sa mga batang lalaki at babae na hinikayat pumasok sa mga paaralang ito. Layunin ng pamahalaang kolonyal na mabura ang edukasyong Espanyol sa Pilipinas.
Unibersidad ng Pilipinas
Ipinatayo noong 1908
Ang kaunaunahang unibersidad na tumanggap ng lalaki at babae sa lahat ng kolehiyo nito.
Insituto De Mujeres
Ipinatayo noong 1900
Ang unang paaralang pambabae na pinangasiwaan ng isang Pilipina sa katauhan ni Rosa Sevilla-Alvero
Programang Pensionado
Nagpadala ng mga piling Pilipino at Pilipina sa United States upang libreng makapagdalubhasa sa kanilang mga larangan.
Japanese Period
Tinangka ng mga Hapones na burahin ang edukasyong Amerikano sa bansa. Sa pamamagitan ng Philippine Executive Commission ay itinatag ang Commission on Education, Health, and Public Welfare na agad namang sinundan ng pagkatatag ng Ministry of Education noong 1943.
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
Burahin ang paghanga at paniniwala sa Kanluran; pagbutihin ang asal at pagtalikod sa makamundong mga bagay; pagtuturo ng Nihongo at Tagalog; pagpapahalaga sa edukasyong primarya at bokasyonal; at pagpapahalaga sa paggawa
Pagkatapos ng Digmaan
Nagpatuloy ang pagpupunyagi ng pamahalaang makapagtaguyod ng edukasyong magsusulong ng interes ng mga Pilipino.
Ministry of Education, Culture and Sports
Itinatag noong 1982
Department of Education, Culture and Sports
Itinatag noong 1987
Department of Education
Itinatag noong 2001
Commission on Higher Education
Binuo noong 1994
Ay may tungkulin namang pamahalaan ang tertiary at graduate education.
Technical Education and Skills Development Authority
Binuo noong 1995
Saligang Batas 1987
Ang patakaran na makapagbigay ng mga serbisyong makatutugon sa mga pangangailangan sa edukasyon ng mga mamamayan
Seksyon 1
Dapat pangalagaan at itaguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas
Seksyon 2
Ang Estado ay dapat magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kompleto, sapat, at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan
Seksyon 3
Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.
10-Point Education Agenda
Itinakda ng pamahalaan sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III
Dating Basic Education Curriculum
Sinasabing may kakulangan sa pagpapaunlad ng kabihasaan sa mga batayang kakayahan dahil ang mga asignaturang dapat itinuturo sa 12 taon ay sinisiksik sa 10 taon ang mga nagsisipagtapos ng mataas na paaralan ay wala pang 18 taong gulang kung kaya't hindi pa inaasahang may sapat nang kahandaan sa pagtatrabaho
Revised Basic Education Curriculum 2002
Pinagtuonan ng pansin ang mga asignaturang Matematika, Agham, Pilipino, English, at Makabayan.
Understanding by Design
Ipinakilala naman ng DepEd noong 2010 ang balangkas sa pagplano ng kurikulum upang mapaunlad ng mag-aaral ang kakayahang makabuo ng kahulugan mula sa mahahalagang ideya at maisalin ang kanilang pagkatuto
Programang K-12
Ito ang Pinakarebolusyonaryong repormang ipinatupad ng pamahalaan sa pagtatangkang mapataas ang kalidad ng edukasyon at matugonan ang mga kakulangan sa edukasyon sa bansa