PAGBASA AT PANANALIKSIK

Cards (27)

  • •Pamagating Pahina
    •Pamagat ng Pananaliksik
    •8.5 x 11 – papel na gagamitin
    •3.81 cm or 1.5 inch ang margin sa kaliwa
    •2.54 cm or 1 inch ang margin sa taas, sa baba at kanan ng papel
    •Kung saan at kanino ipapasa ang pananaliksik
    •Sabdyek na nangangailangan
    •Mga gumawa ng pananaliksik
    • petsa kung kailan natapos ang pananaliksik
    Times New Roman
    12 laki ng letra
  • Mga pahinang Preliminari o Front Matters
    Fly Leaf
    Pamagating Pahina
    Dahon ng Pagpapatibay
    Pagpapakilala at Pasasalamat
    Talaan ng Nilalaman
    Talaan ng mga Talahanayan at Grap
    Fly Leaf 2
  • Fly Leaf 1 at 2
    blangko
  • Pamagating Pahina
    nagpapakilala sa pamagat ng papel-pananaliksik; kanino iniharap o ipinasa ang papel; kung saang asignatura ito kailangan; kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon. 
         Inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyong nasa pahinang ito.
  • Dahon ng Pagpapatibay
    tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pa.
  • Pagpapakilala at Pasasalamat
    Tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaring nakatulong sa pagsulat ng pamahong-papel at kung gayo’y nakatulong sa pagsulat ng papel-pananaliksik at kung gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin.
  • Talaan ng Nilalaman
    Nilalaman ng papel-pananaliksik at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
  • Talaan ng mga Talahanayan at Grap
    Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/ o graf na nasa loob ng papel-pananaliksik at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
  • Fly Leaf 2
    blangkong pahina bago ang katawan ng papel-pananaliksik.
  • SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL O TSAPTER 1
    Panimula o Kaligirang Kasaysayan
    Sanligan ng Pag-aaral
    Tanong Pampananaliksik
    Kahalagahan ng Pag-aaral
    Saklaw at Limitasyon
  • Panimula o Kaligirang Kasaysayan
    – ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
  • Sanligan ng Pag-aaral
    inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.  Tinutukoy rin dito ang mga tiyak na suliranin na nasa anyong patanong.
  • Tanong Pampananaliksik
    tumutukoy sa mga katanungang hinahanap ang mga kasagutan sa pamamagitan ng isang proseso ng pananaliksik.
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    – inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.  Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.
  • d.Saklaw at Limitasyon
    tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.  Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
  • MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
    Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan sa pananaliksik.

    Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.

    Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.

    Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
    Piliting gumamit ng lokal at dayuhan
    Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.
  • Tsapter 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

    Kaugnay na Pag-aaral
    Kaugnay na Literatura
    Balangkas Teoretikal
    Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
  • Tsapter 3 o PAMAMARAAN

    Disenyo at Metodo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. 
    Populasyon at Lugar ng Pananaliksik– kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili.
    Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos –tumutukoy sa mga instrumento, teknik, at proseso na ginagamit upang kolektahin ang impormasyon at datos na kakailanganin sa isang pananaliksik.
    Tritment ng mga Datos– inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos ay mailarawan. 
  • Tsapter 4 O PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

    Dito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grapik na presentasyon.  Sa teksto, inilalahad ng manananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.
  • Tsapter 5 O LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

    Lagom – binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalakay sa Kabanata III.
    Kongklusyon – mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
    Rekomendasyon – mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.
  • Mga Panghuling Pahina
    Listahan ng Sanggunin– isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng papel-pananaliksik.
    Apendiks / Dahong-Dagdag – maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,sampol ng sarbey-kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.
  • Talaan ng Nilalaman
    Pagpapakilala sa Pangkat ng Mananaliksik
    Tagubilin para sa Pagsusulit na Oral
    Dahon ng Pagpapatibay
    Paghahandog
    Pagkilala at Pasasalamat
    Talaan ng Talahanayan o Grap
  • Tsapter 1: SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-ARAL
     
       
    Kaligirang Kasaysayan
    Paglalahad ng Suliranin
    Tanong Pampananaliksik
    Kahalagahan ng Pag-aaral
    Saklaw at Delimitasyon
  • Tsapter 2: KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
  • Tsapter 3: METODOLOHIYA O AMAMARAAN
           
          Disenyo at Metodo
                Populasyon at lugar ng Pananaliksik
                Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos
                Paraan sa Pangangalap ng Impormasyon  
  • Tsapter 4: PAGLALAHAD AT PRESENTASYON NG DATOS
  • Tsapter 5: PAGLALAHAD NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON  
          
    Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon