AP (L2)

Cards (21)

  • Mamamayan
    • Tumutukoy sa tao na taglay ang pagkamamamayan na tinatamasa ang lahat ng mga karapatang politikal at sibil sa ilalim ng pangangalaga ng estado
  • Pagkamamamayan
    • Ang pagiging kasapi sa isang sosyopolitikal na lipunan taglay ang lahat ng mga karapatan at tungkuling kaalinsabay nito
  • Civic Engagement/Participation.
    • Ito ay tumutukoy sa mga kolektibong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko ayon kay Soriano et al. (2017)
  • Makabayan
    • Pangunahing katangian na dapat mayroon ang isang mamamayan sa isang bansa tungo sa aktibong pakikilahok sa gawaing pansibiko.
  • Tapat sa Republika ng Pilipinas
    • Tayong mga Pilipino ay dapat handang maglingkod at magbigay malasakit sa ating bansa sa anumang banta o sino mang magpapabagsak sa atin. Sa pamamagitan nito ay naipapakita natin ang ganap na tiwala natin sa Pilipinas
  • R.A. 8491 Conduct of Flag Raising Ceremony Section 18
    • All government offices and educational institutions shall henceforth observe the flag-raising ceremony every Monday morning and the flag lowering ceremony every Friday afternoon. The ceremony shall be simple and dignified and shall include the playing or singing of the Philippine National Anthem
  • Handang ipagtanggol ang Estado
    • Lahat ng mamamayan ay maaaring makibahagi upang ipagtanggol ang bansa sa anuman suliranin ang kinakaharap nito.
  • The 1987 Constitution of The Republic of the Philippines-Article II Declaration of Principles and State Policies Section 4
    • The prime duty of the government is to serve and protect the people. The Government may call upon the people to defend the State and, in the fulfillment thereof, all citizens may be required, under conditions provided by law, to render personal, military or civilservice
  • Makatao
    • Bilang isang mamamayan, dapat nating itaguyod ang karapatan ng bawat isa. Sa pamamagitan nito naipakikita natin ang pagmamahal sa iba at pagrespeto sa kanilang katangian, kapakanan, at dignidad bilang tao.
  • Produktibo
    • Ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho sa maayos at tamang paraan. Pinagbubuti niya ang anumang gawain sa abot ng kanyang makakaya at ng may pagkukusa. Natatapos niya nang maayos ang mga gawain sa tamang oras.
  • Matatag, may lakas ng loob at tiwala sa sarili
    • Ang katatagan ng loob ay ipinakikita rin ng maraming mga mamamayang Pilipino na nagpupunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho.
  • Matulungin sa kapwa
    • Nakikita ang pagiging matulungin nating mga Pilipino sa panahon ng mga kalamidad, sakuna, aksidente, at iba pa. Gaano man ito kaliit o kalaki, naipakikita natin ang ating apgtulong sa iba’t ibang bagay.
  • Active Citizens
    • Ang isang aktibong mamamayan ay mulat sa kaniyang mga karapatan at tungkulin bilang kasapi ng isang bansa.
  • Vertical Participation
    • Ito ay tumutukoy sa pakikilahok na sibiko na may kaugnayan sa pakikilahok sa mga prosesong politikal at institusyon.
  • Horizontal Participation
    • Ito ay tumutukoy sa pakikilahok na sibil na may kaugnayan naman sa pakikilahok sa antas ng pamayanan.
  • Vertical Participation
    • Halimbawa: ang pagboto tuwing halalan at pagbabayad ng buwis.
  • Horizontal Participation
    • Halimbawa: Paglahok sa isang asosasyon na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop at pagtulong sa paghahanda ng pagkain para sa mga nasalanta ng bagyo
  • National Service Training Program
    • Pinasimulan sa bisa ng NSTP Act of 2001, ito ay isang inisyatiba ng pamahalaan upang mahikayat ang pakikilahok na sibiko ng kabataan.
  • Civic Welfare Training Service (CWTS)
  • Literacy Training Service (LTS)
  • Reserve Officers' Training Corps (ROTC)