Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong estado. Gayon din, nakaugat sa ating mga mamamayan ang soberaniya ng bansa at nagmumula ang lahat ng uri ng kapangyarihan ng pamahalaan sa ating lahat.
Kulturang politikal
Sa bawat bansa, may pinanghahawakang mga paniniwala at kaisipan ang mga mamamayan na nakaaapekto sa kanilang pangkalahatang pananaw sa politika at sa pagkakaroon ng isang maayos na lipunan
Kombensiyonal
Tumutukoy ito sa mga gawaing karaniwang ginagampanan ng isang indibidwal upang maging isang aktibo at produktibong mamamayan.
Di-kombensiyonal
Maaaring legal o hindi ipinagbabawal ang mga gawaing nakapaloob dito subalit posibleng hindi ito katanggap-tanggap sa ibang indibidwal o pangkat
Kombensiyonal
Halimbawa: Regular na pagboto, pagtulong sa panahon ng pangangampanya para sa isang kandidato, o mismong panunungkulan bilang isang opisyal ng pamahalaan.
Di-kombensiyonal
Halimbawa: Paglagda sa mga petisyon, paglahok sa panawagan ng boycott, o pagsasagawa ng demonstrasyon kaugnay ng isang usaping politikal.
Ipinagbabawal
Malimit na ang mga gawaing nakapaloob dito ay ipinagbabawal ng batas.
Paglahok sa halalan
Isa sa pinakamahalagang anyo ng pakikilahok na ginagawa ng mga mamamayan sa isang bansang demokratiko ay ang pagboto sa panahon ng halalan. Sa pamamagitan nito, natitiyak na ang manunungkulang opisyal ng pamahalaan ay may mandato ng mga mamamayan
Artikulo V, Seksyon 1 ng ating Saligang Batas
Ang karapatang bumoto ng mga Pilipinong nasa 18 taong gulang pataas