Pananaliksik - L1

Cards (33)

  • Good 1963
    Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba't ibang Teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukot na suliranin tungo sa klaripiskayon at/o resolusyon nito.
  • Pananaliksik dito kailangan maingat sa mga inillagay na mga impormasyob.
  • Pananaliksik, dito kailangan maingat sa mga inillagay na mga impormasyon.
  • Manuel at Medel 1976
    Ang Pananaliksik ay isang proseso ng pangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.
  • Maari tayong kumuha ng mga impormasyon sa pananaliksik sa Google Scholar, Libro, Artikulo.
  • Parel 1966
    Ang Pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
  • Sistematiko - Ang ibig sabihin nito ay organisado o may sinusundan na proseso.
  • Walo ang bilang ng mga layunin ng mga pananaliksik.
  • Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid pang phenomena.
  • Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
  • Mapagbuti ang umiiral na Teknik at makadevelop ng mga bagong instrument o produkto.
  • Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
  • Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang kilalang substances at elements.
  • Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya at kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
  • Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
  • Tinatanong dito kung Ito ba ay tunay na epektibo at kung Anong mga alternatibo ang maaaring gawin? Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang kilalang substances at elements.
  • Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya at kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
    Kailangan daw sa pananaliksik ang Makagawa ng basis.
  • SiKEMOGOI MAPI NaMain Ito ang mga katangian ng mabuting pananaliksik.
  • Katangian ng mabuting pananaliksik: Sistematiko, kontrolado, empirical, mapanuri, (obhetibo, lohikal at walang pagkiling), gumagamit ng mga kwantitatib o istatistikal na metodo, orihinal na akda, isang Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon, Matiyaga at Hindi Minamadali, pinagsisikapan, nangangailangan ng tapen, mangat na pagtatala at pag-uulat
  • Sistematiko
    May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng mga suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
  • Kontrolado
    Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling salita, hindi dapat baguhin ang baryabol.
  • Empirikal
    Kailangan maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
  • Mapanuri
    Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.
  • Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling
    Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga emperikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.
  • Gumagamit ng mga Kwantitatib o
    Istatistikal na Metodo
    Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa pamamagitan ng istatistikal a tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
  • Orihinal na Akda
    Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga primaryang sources o mga hanguang first-hand.
  • Isang Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon
    Bawat aktividad a pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga syentipikong paglalahat.
  • Matiyaga at Hindi Minamadali
    Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa nang walang pag lingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.
  • Pinagsisikapan
    Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
  • Nangangailangan ng Tapang
    Sa pagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik, di- pagsang - ayon ng publiko at lipunan o di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik.
  • Maingat na Pagtatala at Pag-Uulat
    Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik.
  • Maingat na Pagtatala at Pag-Uulat Kailangan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel pampananaliksik para sa angkop na dokumentasyon, at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang tinatawag na oral presentation o defense.
  • Maingat na Pagtatala at Pag-Uulat kailangan Maiulat sa pasulat na paraan na Printed o
    Hardcopy.