LESSON 1 AP

Cards (13)

  • 1.   Likas na Yaman -Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
  • Yamang-Tao - Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito.
  • 1.  Kapital - Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
    • Teknolohiya at Inobasyon Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang –yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo
  • 1.   Bumuo o sumali sa kooperatiba- Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
  • Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan
  • 1.   Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.
  • Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino- Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
  • 1.   Tamang pagboto- Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito.
  • Pagtutupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad- Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.
  • 1.  Kawalan ng Katatagang Pampolitika - Ang hindi maayos na pamamahala ay karaniwang naggiging ugat ng kaguluhan, karahasan, korupsyon, at paglala ng marami pang suliranin sa lipunan.
  • 1.   Hindi Matatag na Lipunan at kultura - malaking sagabal sa ekonomiya ang pagkakanya-kanya at kawalan ng disiplina sa lipunan. Ang civil disobedience ay ang di pagsunod ng mga mamamayan sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan
  • 1.  Hindi matatag ng sistemang pang-ekonomiya - kabilang dito ang di maayos na paggamit ng likas na yaman, mahinang ugnayan at kalakalang panlabas, hindi epektibong pagpapatupad ng polisiyang pang ekonomiya, Kadalasang nagiging dahilan ang mga ito ng mahinang pamumuhunan, kawalan ng trabaho, mababang kita ng pamahalaan, kahirapan at marami pang iba.