pagbasa

Cards (14)

  • Pananaliksik
    Sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag ng katotohanan gamit ang iba't ibang batis ng kaalaman
  • Ang pananaliksik ay isinasagawa bilang isang lohikal at organisadong batayan ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa tao, kultura, at lipunan
  • Ang pananaliksik ay ginagamit upang palawakin o palalimin ang kaalaman sa isang larangan lalo na sa mga institusyong pang-akademiko
  • Layunin ng pananaliksik

    • Makahanap ng isang teorya
    • Malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito
    • Makuha ang kasagutan sa mga makaagaham na problema o suliranin
  • Pananaliksik
    Paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan ng mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran
  • Ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali
  • Mga kamalian sa pananaliksik
    • Paggamit ng teksto ng ibang manunulat o mananaliksik (Plagiarism)
    • Pagreresiklo ng mga material (Recycling)
    • Agarang pagbibigay ng kongklusyon nang walang sapat na batayan
  • Obhetibo
    Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri
  • Sistematiko
    Sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon
  • Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
    Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan
  • Empirikal
    Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at na obserbahan ng mananaliksik
  • Kritikal
    Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik
  • Masinop, Malinis, at Tumutugon sa pamantayan

    • Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan
  • Dokumentado
    Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karapatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito