Pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan
PamamaraanngPananaliksik
Sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik
Ang disenyo ay tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkaayos ng pananaliksik, ang pamamaraan naman ay kung paanong mabibigyang-katuparan ang disenyo
Uri ng Pananaliksik
Kuwantitatibo
Kuwalitatibo
Deskriptibo
Disenyong Action Research
Historikal
Kuwantitatibong Pananaliksik
Sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga Teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon
Kapaki-pakinabang sa mga mananaliksik na nais mag-aral at mag-imbestiga ng mga malakihan at pangkalahatang padron ng pagkilos at pag-uugali ng tao
Kuwalitatibong Pananaliksik
Mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito
Pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat
Labis na personal sapagkat ninanais nitong malalimang unawain ang pag-uugali, katangian ng pakikipagrelasyon, at partikularidad na ugnayan ng mga kalahok sa pananaliksik
Deskriptibong Pananaliksik
Pinag-aaralan ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan
Nagbibigay ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral
DisenyongActionResearch
Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan
Angkop na gamitin sa larangan ng edukasyon upang mapabuti ang mga programa o pamamaraan sa pagtuturo
Historikal na Pananaliksik
Gumagamit ng iba't ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan
Mabuting gamitin upang maglatag ng konteksto ng isang tiyak na bagay o pangyayari
Metodolohiya
Sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik
Metodolohiya
Kalipunan at pagkakaayos ng mga kaalamang ito
Sarbey
Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik
Sarbey
Ang tagumpay nito ay batay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon (sampling)
Kadalasang ginagamitan ng payak na questionnaire ang sarbey na hinahayaang sagutan ng mga kalahok
Pakikipanayam o Interbyu
Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o di kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik
Uri ng Pakikipanayam
Structured Interview o Nakabalangkas na Pakikipanayam
Semi-Structured Interview
Unstructured o Walang Estruktura
Dokumentaryong Pagsusuri
Pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin
Uri ng Obserbasyon
Nakabangkas na obserbasyon
Pakikisalamuhang obserbasyon
Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
Mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik
Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Uri ng kasangkapan o instrumenting gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik
Paraan ng Paglikom ng Datos
Hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos
Paraan sa Pagsusuri ng Datos
Iba't ibang estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos kung kuwantitatibo ang pananaliksik
Kung kuwalitatibo naman, tinutukoy rito kung paaanong isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap