Jürgen Habermas: 'Tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld), at ito ay nabubuo sa pagkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi'
Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa
Napakahalaga ng iyong bahagi sa iyong sarili, kapwa at lipunan
JürgenHabermas
Talento
Kasanayan
Hilig
Pagpapahalaga
Mithiin
Talento
Pambihirang biyaya at likas na kakayahang nagsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sa sining at disenyo, at isports sa iyong pagtatapos ng Junior High School (Baitang 10)
Kasanayan
Mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling, madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency)
Mga Uri ng Kasanayan(CareerPanning Workbook, 2006)
Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills)
Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)
Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills)
Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)
Hilig
Paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot
Mga Uri ng Hilig
Realistic
Investigative
Artistic
Social
Enterprising
Conventional
Realistic
Mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan, di mahilig makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinyon
Investigative
Mataas na impluwensiya dito ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham
Artistic
Mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan
Social
Kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular at responsable
Enterprising
Mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals
Conventional
Naghahanap ng mga panuntunan at direksyon
Pagpapahalaga
Mga bagay na ating binibigyang halaga, ipinamamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya
Mithiin
Pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay, hindi lamang dapat na umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga material na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat
Kung ngayon pa lamang sa mura mong edad ay matutuhan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap
Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (PeopleSkills)
nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod, at nanghihikayat na kumilos at mag-isip para sa iba
2. Kasanayan sa mga Datos (DataSkills)
humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista, o nag - aayos ng mga files at inioorganisa to, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kanya
Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills)
nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal, at biyolohikong mga functions.
Kasanayan sa mga ldeya at Solusyon (Idea Skills)
lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaingparaan
Stephen Covey: '"Begin with the end in mind"'
Personal na Misyon sa Buhay
Katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.
Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw.
Pagbubuo ng Personal na Misyon sa Buhay
1. Suriin ang iyong ugali at katangian
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan
3. Tipunin ang mga impormasyon
4. Alamin ang sentro ng iyong buhay (Diyos, pamilya, kaibigan, komunidad, atpb.)
Misyon
Ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
Maaaring isagawa ang misyong ito sa pamilya, kapuwa, paaralan, simbahan, lipunan o sa trabaho o gawain na iyong ginagawa.
Kung kaya’t mahalaga na ngayon pa lamang ay makabuo ka ng iyong personal na misyon sa buhay upang mula dito ay makita mo o masalamin kung saan ka patungo
Propesyon
Trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya dito.
Bokasyon
Latin "vocatio" = calling o tawag.
Ito ay malinaw na ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob niya sa atin.
Mahalaga sa pagpili mo ng propesyong akademiko, teknikal-bokasyonal, isports at sining pagkatapos mo ng Senior High School.
Ang pagbubuo ng personal na misyon sa buhay ay dapat nakatuon sa kung ano ang nais mo na mangyari sa mga taglay mong katangian at kung paano makakamit ang tagumpay gamit ito.
Upang makabuo ng mabuting personal na misyon sa buhay, mabuti na magsimula na alamin ng tao ang sentro ng kaniyang buhay.
Ang pagbubuo ng personal na misyon sa buhay ay dapat isaalang-alang ang kraytirya ng
SMART (Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound).