KomPan

Cards (52)

  • Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas:
    1. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
    2. Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo
    3. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
    4. Sitwayong Pangwika sa Kulturang Popular
    5. Sitwasyong Pangwika sa Text
  • Telebisyon - ay tinuturing na makapangyarihang media sa kasalukuyang sapagkat madami ng naaabot ito.
  • Cable o Satellite Connection - mas dumami ang manonood ng telebisyon.
  • Wikang Filipino - midyum sa telebisyon ng Pilipinas.
  • Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon:
    • Teleserye
    • Pantanghaling Palabas
    • News & Public Affairs
    • Dokumentaryo
    • Reality show
    • News Program (Ingles) - ito'y ipinapalabas ngunit hindi inilalagay sa primetime kundi sa gabi.
  • Radyo - katulad din ng telebisyon, halos lahat ng mga estasyon sa radio ay gumagamit ng wikang Filipino.
    • Tabloids - maliit at siksikan ang mga impormasyon (Filipino)
    • halimbawa: Bulgar, Abante, Pilipino Star Ngayon, Balita, Bistado
    • Broadsheets - malaki ngunit malilit ang mga nakasulat (Ingles)
    • halimbawa: Philippine Daily Inquirer, The Philippine Star, Sunstar, United News
    • Ang mga lokal na pelikulang Pilipino ay mas tinatangkilik nang nakararami.
  • Wikang Filipino, Tagalog, Taglish, Panrehiyon na Wika/Dayalekto - ang midyum sa mga pelikula sa Pilipinas.
    • Ang halos sa mga pamagat na ginagamit sa pelikula ay nakasulat sa wikang Ingles.
  • Fliptop - walang malinaw na paksang pinagtatalunan.  Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
  • Pick-up Lines - ito ay makabagong bugtong "boladas". Nakatutuwa, nakapagpapangiti,
    nakakikilig.
  • Hugot Lines - isang patunay na ang wika ay malikhain at karaniwa'y nagmumula sa pelikula.
  • Hugot Lines - depende sa damdamin o pinagdaraanan.
  • Sitwasyong Pangwika sa Text - mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.
  • Sitwasyong Pangwika sa Text - higit itong popular kaysa pagtawag sa telepono.
  • Kakayahang Sosyolingguwistiko - kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyon.
    • Halimbawa: Pormal at Impormal
  • Dell Hathaway Hymes - nagdebelop ng isang modelo ng komunikasyon na tinatawag niyang
    SPEAKING.
  • Settings - tumutukoy sa panahon at lugar ng akto ng pagsasalita.
  • Settings - (SAAN NAG-UUSAP?)
    • Halimbawa: Silid-aralan
  • Participants - sila ang ispiker at awdyens sa isang pag-uusap.
  • Participants - (SINO ANG KAUSAP? /
    SINO ANG NAGSASALITA?)
    • Halimbawa: Mag-aaral at Guro
  • Ends - sakop nito ang layunin, hangarin, at kalalabasan ng proseso ng komunikasyon.
  • Ends - (ANO ANG LAYUNIN?)
  • Act of Sequence - ito ang anyo ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
  • Act of Sequence - (TAKBO NG USAPAN)
    • Halimbawa: May mga usapang nagsisimula sa biruan, napupunta sa asaran, humahantong sa pikunan at nauuwi sa awayan.
  • Keys - nakapaloob dito ang tono, gawi at malay sa paggamit ng salitang binibigkas. (PORMAL at IMPORMAL)
  • Instruments - tumutukoy sa tsanel o daluyang gagamitin ng mga kalahok sa pakikipagtalastasan.
  • Instruments - (ANO ANG MIDYUM NG USAPAN?)
    • Halimbawa: Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan ang isang telenobelang iyong napanood sa pamamagitan ng text?
  • Norm - mahalagang malaman ng isang indibidwal ang paksa ng usapan bago siya makisali sa naturang talastasan.
  • Norm - (ANO ANG PAKSA NG USAPAN?)
    • Halimbawa: Minsan mas
    makabubuting itikom ang bibig kung hindi maka-relate sa usapan kaysa magsimula ka pa ng kalituhan o kaguluhan
  • Genre - ito ay tumutukoy sa uri ng akto ng pagsasalita o kaganapan.
  • Genre - (NAGSASALAYSAY BA? NAKIKIPAGTALO BA? )
  • Kakayahang Pragmatik - pamamaraan ng pagpapahatid ng mensahe o impormasyon sa tulong ng pangungusap.
  • Komunikasyon - pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat.
  • Dalawang uri g Komunikasyon:
    1. Berbal
    2. Di-berbal
    1. Berbal - paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya.
    1. Di-Berbal - hindi ito gumagamit ng salita bagkus naipapakita sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.