esp

Cards (19)

  • Lifeworld
    Ayon kay Jürgen Habermas, tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay sa mundo, at ito ay nabubuo sa pagkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi
  • Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa
  • Talento
    Isang pambihirang biyaya at likas na kakayahan. Kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko, teknikal bokasyonal, sining at disenyo, at isports sa iyong pagtatapos ng Junior High School (Baitang 10)
  • Kung matagumpay mong maitutugma ang iyon talento sa trabaho/hanapbuhay ay makakamit mo ang kagalingan at produktibong paggawa
  • Kasanayan (Skills)
    Mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency)
  • Hilig
    Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot
  • 6 Hilig, John Holland (Jobs/Careers/Work environments)

    • Realistic
    • Investigative
    • Artistic
    • Social
    • Enterprising
    • Conventional
  • Realistic
    Ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinyon. Ang mga taong realistic ay matapang at praktikal, at mahilig sa mga gawaing outdoor
  • Investigative
    Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya rito ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham. Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong magtrabaho nang mag-isa kaysa gumawa kasama ang iba. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga kakayahang pang-agham, isa na rito ang mga pananaliksik. Mapanuri, malalim, matatalino at task – oriented ang mga katangian nila
  • Artistic
    Ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nasisiyahan ang mga nasa ganitong interes sa mga sitwasyon kung saan nakararamdam sila ng kalayaan na maging totoo, nang walang anumang estrukturang sinusunod at hindi basta napipilit na sumunod sa maraming mga panuntunan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-arte, pagsulat, at iba pa
  • Social
    Ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular, at responsable. Gusto nila ang interaksiyon at pinaliligiran ng mga tao. Madalas na mas interesado sila sa mga talakayan ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na gawain, kung saan mabibigyan sila ng pagkakataong magturo, magsalita, manggamot, tumulong
  • Realistic
    • Matapang at praktikal, mahilig sa mga gawaing outdoor
  • Investigative
    • Nakatuon sa mga gawaing pang-agham, mas gusto magtrabaho nang mag-isa, mayaman sa ideya at malikhain sa mga kakayahang pang-agham, mapanuri, malalim, matatalino at task-oriented
  • Artistic
    • Malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan, nasisiyahan sa mga sitwasyon kung saan nakakaramdam sila ng kalayaan na maging totoo, walang anumang estrukturang sinusunod at hindi basta napipilit na sumunod sa maraming mga panuntunan, nais ang mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-arte, pagsulat, at iba pa
  • Social
    • Palakaibigan, popular, at responsable, gusto ang interaksiyon at pinaliligiran ng mga tao, madalas na mas interesado sila sa mga talakayan ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na gawain, kung saan mabibigyan sila ng pagkakataong magturo, magsalita, manggamot, tumulong, at mag-asikaso
  • Enterprising
    • Likas ang pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals, madalas na masigla, nangunguna at may pagkusa at kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi at pasensiya
  • Conventional
    • Naghahanap ng mga panuntunan at direksiyon; kumikilos sila nang ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila, maaaring mailarawan bilang matiyaga, mapanagutan, at mahinahon, masaya sila sa mga gawaing tiyak, may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at organisado ang record
  • Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Hindi lamang dapat na umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga material na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat.
  • Kung ngayon pa lamang sa mura mong edad ay matutuhan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap.