Untitled

Cards (25)

  • Ang dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship)
  • Likas o Katutubo – Anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lamang
  • Naturalisado – Dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon
  • Jus Sanguinis - naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng kanilang mga magulang o isa man sa kanila
  • Jus Soli - naaayon sa lugar na kaniyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang
  • Tapat sa Republika ng Pilipinas - Kasama sa pagpapakita ng tiwala sa republika ay ang paggalang sa bandila at pambansang awit.
  • Tapat sa Republika ng PilipinasArtikulo XVl, Seksyon I. Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na pula, puti, at bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas
  • Artikulo II, Seksyon 4. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Maaaring tawagan ng pomahalaan ang sambayanan upang ipagtanggol ang Estado, at sa ikatutupad niyon, ang lahat ng mgo mamamayan ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyo militar o sibil, sa ilalim ng kondisyong itinatakda ng batas.
  • Makatao - Bawat tao ay may mga karapatan na dapat igalang, isaalang-alang, at matugunan o protektahan. Bilang mga mamamayan, dapat nating itaguyod ang karapatan ng bawat isa.
  • Produktibo - Ang pagiging masipag at matiyaga ay ugali na nating mga Pilipino noon pa man. Ito ay ipinakita ng ating mga ninuno sa paggawa ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue
  • Matatag, May Lakas ng Loob at Tiwala sa Sarili - Ang katatagan ng loob ay ipinakikita rin ng maraming mga mamamayang Pilipino na nagpupunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho. lto ay nakatutulong sa atin upang sumuong sa mahihirap na gawain.
  • Makasandaigdigan - Ang aktibong mamamayan ay mamamayan ng kanyang bansa gayon din ng mundo. Isinasaalang-alang niya ang kagalingan ng kanyang sariling bansa pati na ng sa mundo.
  • Ang Universal Declaration on Human Rights ay nabuo at nilagdaan noong Disyembre 10, 1948. Lumagda ang Pilipinas sa deklarasyong ito kaya’t obligado ang bansa na ipatupad ang pagiging malaya at pagkakapantay-pantay ng bawat tao at pagbabawal sa diskriminasyon
  • Bilang pagtupad sa Artikulo II, Seksyon 13, nilikha ang Child and Youth Welfare Code upang pangalagaan ang mga karapatan ng bata. Nakatala rin dito ang mga tungkulin ng mga bata at responsibilidad ng mga magulang sa pangangalaga sa kanilang mga anak
  • Bilang kasapi ng Nagkakaisang Bansa, ipinatupad sa Pilipinas ang mga karapatan ng bata ayon sa United Nations Convention on the Rights of a Child.
  • Karapatan ng mga Kababaihan sa Lipunang PilipinoHalos kalahati ng ating populasyon ay binubuo ng kababaihan. Dahil dito, marapat lamang na kilalanin ng ating bansa ang kanilang kahalagahan sa pagbuo ng Estado. Ang pagkilalang ito ay nakasaad sa ating Saligang Batas.
  • Ang karapatan ay angking laya na kaloob sa atin ng Diyos at iba’t ibang batas upang maging maligaya ang ating pamumuhay.
  • Ang pribilehiyo ay espesyal na konsiderasyon o advantage na kaloob sa isang tao o grupo.
  • Artikulo II (Patakaran ng Estado) ng Saligang Batas ng 1987 – itinadhana ang mga patakarang dapat tuparin ng estado. Ang mga patakarang ito ay kaugnay ng mga tungkulin ng pamahalaan na mapangalagaan ang mga karapatan ng mga mamamayan.
  • Child Soldier - Lumalaganap sa iba’t ibang parte ng daigdig na laganap ang rebelyon. Mababa ang tingin sa kakayahan ng kababaihan sa isang praktikal na lipunan. Lalaki ang sukatan ng talino, lakas, husay, at tapang. Bunga nito, ang kababaihan ay maaaring maging biktima ng karahasan sa tahanan, prostitusyon, at iba pa.
  • Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao - Pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao. Ang pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol sa anumang parte ng katawan ayilan sa halimbawa ng pisikal na paglabag.
  • Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao. Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang pagtingin niya sa kanyang sarili.
  • Istruktural. Ang kaayusan ng lipunan batay sa kung sino ang may kapangyarihan, kayamanan at kalagayan sa lipunan ay simula ng hindi pagtatamasa ng karapatan istruktural.
  • Bilang pagtupad sa Artikulo II, Seksyon 13, nilikha ang Child and Youth Welfare Code upang pangalagaan ang mga karapatan ng bata. Nakatala rin dito ang mga tungkulin ng mga bata at responsibilidad ng mga magulang sa pangangalaga sa kanilang mga anak.
  • Karapatan ng mga Kababaihan Halos kalahati ng ating populasyon ay binubuo ng kababaihan. Dahil dito, marapat lamang na kilalanin ng ating bansa ang kanilang kahalagahan sa pagbuo ng Estado. Ang pagkilalang ito ay nakasaad sa ating Saligang Batas.Halos kalahati ng ating populasyon ay binubuo ng kababaihan. Dahil dito, marapat lamang na kilalanin ng ating bansa ang kanilang kahalagahan sa pagbuo ng Estado. Ang pagkilalang ito ay nakasaad sa ating Saligang Batas