Paglakas ng Europa

Cards (31)

  • Ang terminong ___ ay unang itinawag sa mga naninirahan sa mga napapaderang bayan sa Medieval France?
    Bourgeoisie
  • Bilang mga artisano at manggagawa, ang mga ___ay umuokupa ng isang sosyo-ekonomikong posisyon sa pagitan ng mga magsasaka at mga panginoong nagmamay-ari ng lupa sa kanayunan?
    Bourgeoisie
  • Ang terminong ito ay pinalawak at ibinilang na rin dito maging ang mga kasama sa gitnang uri (middle class) ng France at kinalaunan ay maging ng ibang mga bansa?
    Bourgeoisie
  • Ang ___ bilang isang penomenon sa kasaysayan ay lumitaw lamang nang umunlad ang mga medyebal na lungsod bilang mga sentro ng kalakalan at komersiyo sa Gitna at Kanlurang Europa simula noong ika-11 siglo?
    Bourgeoisie
  • Matataas na kagawad ng simbahan?
    Prelado
  • Ang ___ ay isang pambansang patakarang pang-ekonomiya na idinisenyo upang mapakinabangan ang kalakalan ng isang bansa?
    Merkantilismo
  • Sa kasaysayan, ito ay pinanukala upang mapalago nang husto ang akumulasyon ng ginto at pilak sa isang nasyon?
    Merkantilismo
  • Sa pambansang ekonomiya, ang ___ ay naglalayong bumuo ng isang mayaman at makapangyarihang estado?
    Merkantilismo
  • Sino ang "ama ng Modernong Ekonomiks"?
    Adam Smith
  • Tinuran ni Adam Smith, ang terminong?
    Sistemang merkantilismo
  • Ilarawan ang sistema ng ekonomiyang pampolitika na tinatangkang mapayaman ang isang bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng restriksiyon sa pag-aangkat ng mga produkto (import) at pagpapalakas naman ng pagdadala o pagluluwas ng kalakal sa ibang bansa (export)?
    Sistemang Merkantilismo
  • Layon ng mga patakaran nito na makamit ang diumano ay kanais- nais na balanse sa kalakalan na magdadala ng ginto at pilak sa bansa at ang mapanatili ang hanapbuhay sa loob ng bansa?
    Merkantilismo
  • Mga nagsusulong sa agrikultura bilang mahalagang yaman ng bansa?
    Physiocrats
  • kaisipang hindi dapat pakialaman ng gobyerno ang mga pangyayaring may kinalaman sa ekonomiya?
    Laissez-faire
  •  ang sistemang merkantilismo ay pumabor sa interes ng mga mangangalakal at mga gumagawa ng mga produkto tulad ng___, na ang mga aktibidad ay protektado at suportado ng estado?
    British East India Company
  • Sa France, si ___, ang ministro ng pananalapi sa ilalim ni Louis XIV mula 1661 hanggang 1683, ay nagpataw ng dagdag pananagutan sa mga dayuhang barko na pumapasok sa mga pantalan ng France at nagbigay naman ng pabuya sa mga French na gumagawa ng barko?
    Jean-Baptiste Colbert
  • Ang isa sa pinakamahahalagang pangyayari sa tatlong siglo bago ang panahon ng Renaissance ay ang pagbagsak ng?
    Piyudalismo
  • Ang piyudalismo ay nagsimulang bumagsak noong ika-11 siglo sa pag- angat ng ___, isang ekonomiyang nakabatay sa pamumuhunan ng pera at kita mula sa mga negosyo?
    Kapitalismo
  •  Ang ___ ay nagbunga ng pag-angat ng mga lungsod na itinayo bilang sentro ng magkakarugtong na ruta ng kalakalan sa buong Europa?
    Kapitalismo
  • Pinalitan ng mga lungsod ang mga ___ bilang mga sentro ng populasyon?
    Fief
  • Kahit na ang piyudalismo ay pinalitan ng isang bagong sistemang pang ekonomiya, ang mga estrukturang panlipunan at pampolitika ay nakabatay parin sa?
    Fief
  • Ang mga ___(mga hari at reyna na may lubos na pamumuno) sa France, England, at Spain ay tumugon sa magulong sitwasyon sa Europa sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga kapangyarihan sa kani-kanilang bansa?
    Monarkiya
  • Ang makabuluhang pag-unlad sa tatlong monarkiyang ito ay ang pag-usbong ng ___ o ang pagmamalaki at pagiging tapat sa sariling bayan, na isang katangian ng panahon ng Renaissance?
    Nasyonalismo
  • Nakontrol ng mga Capetian ang halos lahat ng duchies (fiefs) sa France, sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga digmaan at pagwawagi laban sa England sa?
    Sandaang Taong Digmaan
  • Bagaman ang England ay napagod sa matagal nitong laban sa France, ang mga monarkiyang ___ ay bumuo ng isang bagong dinastiya pagkatapos na magwagi sa Digmaan ng mga Rosas (War of the Roses)?
    Tudor
  • Ang paglalabanan ng dalawang pamilya para sa trono ng England?

    Digmaan ng mga Rosas
  • Sa pagtatapos ng ika-10 siglo, pinasimulan ni ___ (938-996 namuno noong 987-96) ang linya ng mga haring French na namahala sa bansa sa sumunod na 800 taon?
    Hugh Capet
  •  Ang piyudalismo ang panahong iyon ay isa nang matatag na sistema, at ang France ay nahahati sa maraming fiefs tinatawag na?
    Duchies
  • Sino ang namumuno sa mga duchies sa France?
    Duke
  • Ang mga ___ ay isang pamilya na kumokontrol sa Île-de-France?
    Capetian
  • isang rehiyon na nakasentro sa Paris na kung susukatin ang nasasakupan ay mangangailangan nang halos tatlong araw na pagmamartsa sa lahat ng direksiyon sa palibot ng lungsod?
    Ile-de-France