Renaissance

Cards (56)

  • Ang ___ ay panahon sa sibilisasyong Europeo pagkatapos ng Edad Medya at tinatanggap ng karamihan na nakilala dahil sa pagtaas ng interes sa klasikong kaalaman at pagpapahalaga?
    Renaissance
  • Sa mga iskolar at sa mga pilosopo noong araw, ito ay panahon, pangunahin ng muling pagbabangon ng klasikong pag-aaral matapos ang mahabang panahon ng paghina at kawalang-pagkilos ng kultura?
    Renaissance
  • Ang Renaissance ay isang ideyang Italian, at ang ___ sa pangkalahatan ay sumasaklaw sa mga panahon mula sa simula ng Ika-14 na siglo hanggang sa katapusan ng ika-16 na siglo?
    Italian Renaissance
  • Ang ___ ay pasimula ng malaking pagbabago sa kultura sa kabuuan ng buong Europa at itinuturing na tulay sa pagitan ng medyebal at modernong panahon?
    Renaissance
  • Ang mga iskolar na edukado sa larangan ng panitikan kasama ang mga makata, courtiers at schoolmasters, na pawang uhaw sa kaalaman, ay naging kilalá sa kilusang intelektuwal bilang mga?
    Humanista
  • Muli nilang binuhay ang mga panitikang Greek at Latin at nagsimula ring magturo ng panitikang Latin?
    Humanista
  • Bagaman ang diwa ng Renaissance ay nagkaroon ng iba't ibang anyo sa kinalaunan, ito ay nauna nang ipinahayag ng kilusang intelektuwal na tinatawag na?
    Humanismo
  •  Ang humanismo ay pinasimulan ng sekular na iskolar o awtor sa halip na mga klerikong iskolar na nadomina sa intelektuwal na buhay ang Edad Medya at bumuo ng pilosopiyang ___?
    Iskolastiko
  • Ang pagbagsak ng ___ noong 1453 ay nagbigay ng malaking tulong sa humanismo dahil maraming iskolar sa silangang bansa ang tumakas papuntang Italy na dala-dala ang mahahalagang aklat at manuskrito at maging ang tradisyon ng kaalamang Greek?
    Constantinople
  • Ang ___ ay pananaw o sistema ng pag-iisip nagbibigay ng lubos na pagpapahalaga sa tao sa halip na sa diyos o mga bagay na supernatural?
    Humanismo
  • Ang ilan sa mga unang humanista ay mahuhusay na kolektor ng mga antigong manuskrito, kabilang sina?
    Petrarch
    Giovanni Boccaccio
    Coluccio Salutati
    Poggio Bracciolini
  •  si ___ ang tinawag na Ama ng Humanismo dahil sa kaniyang debosyon sa mga balumbon (scroll) na Greek at Roman?
    Petrarch
  • Kilala bilang Petrarch, si ___(1304-1374) ay isarg Italian iskolar, makata, at humanista na ang mga tula na pinatutungkol kay Laura, isang minamahal, ay nag-ambag sa paglago ng lirikong tula (lyric poetry) noong Renaissance?
    Francesco Petrarca
  •  Ang koleksiyon ng mga tula ni Petrarch at isinulat niya ay tinawag na ?
    Canzoniere o Song Book
  •  Ang pangunahing paksa ng Canzoniere ni Petrach ay ang pag-ibig niya kay ___ isang babae na sinasabing nakilala niya noong Abril 6, 1327, sa Simbahan ng Sainte Claire sa Avignon?
    Laura
  • Isang makatang Italian at iskolar na naging tanyag bilang may akda ng mga kuwento sa decameron?
    Giovanni Boccaccio
  • Ito ay isang koleksiyon ng mga nobela na naglalaman ng 100 istorya, na isinalaysay ng isang grupo ng pitong batang babae at tatlong kabataang lalake na nanuluyan sa isang tagong villa sa labas ng Florence upang makatakas sa Black Death na sumasalot sa lungsod?
    Decameron
  • kilalá ngayon bilang iskolar na tumiyak na ang kilusang humanista na itinatag ni Petrarch ay matagumpay na maipapasa ng iba pang mga iskolar ng susunod na henerasyon?
    Coluccio Salutati
  • Bilang chancellor ng Florence, sinimulan niyang lugnay ang humanismo sa aktibong buhay pampolitika sa paraang magkakaroon ito ng isang tiyak na epekto sa susunod na henerasyon ng mga iskolar?
    Coluccio Salutati
  • Ang mga natitirang isinulat ni Salutati ay mga opisyal na liham ukol sa mga seryosong kasulatan o___tungkol sa gobyerno at etika?
    Treatises
  • Si ___, mas kilala bilang Poggio Bracciolini (1380-1459), ay isang humanistang Italian at calligrapher, ang pangunahin sa mga iskolar ng unang Renaissance na tumuklas muli ng mga nawala, nakalimutan, o napabayaang manuskrito ng klasikong Latin sa mga silid-aklatan ng mga monasteryo ng Europa?
    Gian Francesco Poggio Bracciolini
  • Naimbento ni Bracciolini ang ___(batay sa Caroline minuscule), isang pabilog, pormal na pagsusulat, na pagkatapos ng isang henerasyon ng pagsasaayos ng mga eskriba, ay nagsilbing bagong sining ng paglilimbag bilang parisan ng tipo ng pagsulat na "Roman."?
    Humanist Script
  • Lumipat si Bracciolini sa Rome noong 1403, kung saan siya ay naging kalihim ni Papa Boniface IX. Ang isa sa kaniyang mga isinulat ang ___ (1438-52)-isang koleksiyon ng mga nakatatawa, karaniwang malalaswang istorya, ay naglalaman ng mayayamang pagtuya sa mga monghe, kleriko, at karibal na mga iskolar?
    Facetiae
  • Si ___(1478-1529) ay isang Italian courtier, diplomat, at manunulat na kilala dahil sa kaniyang akdang The Book of the Courtier?
    Baldassare Castiglione
  • Ito ay isang talakayan ukol sa mga katangian ng ideyal na courtier ni Castiglione?
    The Book of the Courtier
  • Si ___ (1469-1527) ay isang politikong Italian, pilosopo, at statesman, kalihim ng Florentine Republic noong Renaissance, na ang pinakasikat na likha ay ang The Prince?
    Niccolo Machiavelli
  •  Ito ay may pangkalahatang tema na upang matamo ng mga prinsipe ang kanilang mga hinahangad tulad ng kadakilaan at pananatili sa kapangyarihan ay dapat na ituring na makatuwiran kahit na ang paggamit ng pamamaraang imoral?
    The Prince
  • Ang mga pananaw niyang ito ay humihikayat sa mga lider na kontrolin ang kanilang kapalaran, sukdulang sa ilang sitwasyon ay mangailangan ng pagbuo (o muling pabubuo) ng mga ipatutupad na patakaran at kaayusan, kahit na ang desisyon ay kapalooban pa ng mga panganib, kinakailangang kasamaan (necessary evil), at kawalan ng batas. na kinalaunan ay tinawag na?
    Machiavellian
  • Si ___ ay miyembro ng isa sa mga nangungunang pamilya ng Florence. Naging kakaiba siya sa panahon ng Renaissance kapuwa para sa kaniyang aktibong papel sa mga pangyayari ng panahong yon at dahil sa kaniyang pagkakasulat sa mga pangyayaring iyon?
    Francesco Guicciardini
  •  Ang mga gawa ni Guicciardini, lalo na ang ___, ay ragbigay sa kaniya ng reputasyon bilang pinakadakilang historyador ng Renaissance?

    Kasaysayan ng Italya
  • Sa mga gawa ni Guicciardini, ipinalalagay niya na ang pinakamagandang anyo ng pamahalaan ay isang ___ na pinamunuan ng isang piling grupo ng marurunong na mamamayan?
    Republika
  • Si ___ (1466-1536) ay isang humanistang Dutch noong Renaissance. Siya rin ay isang paring Katoliko, kritiko ng lipunan, guro, at teologo?
    Desiderius Erasmus
  • Sa mga humanista, siya ay binigyan ng titulong Prince of the Humanists, at tinawag na the crowning glory of the Christian humanists?
    Desiderius Erasmus
  • Gamit ang mga pamamaraang humanista sa pagbuo ng mga teksto, naghanda si Erasmus ng mahahalagang bagong edisyong Latin at Greek ng Bagong Tipan na nagpausbong sa katanungang naging maimpluwensiya sa ___ ng Katoliko?
    Repormasyong Protestante at Counter-Reformation
  • Ang ___ ni Erasmus ay isang pag-atake sa mga paniniwala at iba pang tradisyon ng Europeong lipunan pati na rin sa Kanluraning Iglesia. lalo na sa mga pang-aabuso ng kaparian?
    In Praise of Folly
  • Si___, may sagisag-panulat na Alcofribas Nasier (1494-1553) ay isang manunulat at paring French?
    Francois Rabelais
  • si Rabelais ay isang tanyag na manggagamot at humanista at may-akda ng komikong?
    Gargantua at Pantagruel
  • Si ___ ay isang abogadong Ingles, pilosopo, awtor, statesman, at kilalang humanista ng Renaissance at Siya rin ay isang tagapayo kay Henry VIll at Lord High Chancellor ng England mula Oktubre 1529 hanggang Mayo 16, 1532?
    Thomas More
  • Noong 1516 isinulat ni Thomas More ang ___, na patungkol sa sistemang pampolitika ng isang kathang isip na perpektong islang bansa?
    Utopia
  • Si  ___ (Abril 26, 1564 (nabinyagan) Abril 23, 1616) ay isang makatang Ingles, manunulat ng dula, at artista. Siya ay itinuturing na pinakadakilang manunulat sa wikang Ingles at ang pinakamahalagang dramatista sa mundo?
    William Shakespeare