UNIT 9: LAKBAY SANAYSAY

Cards (14)

  • Sanaysay
    Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito ay “ang salaysay ng isang sanay” na nangangahulugang pagsasalaysay ng isang taong sanay o punong-puno ng karanasan sa isang bagay
  • Lakbay Sanaysay 
    • Tinatawag na travel essay sa Ingles
  • Lakbay Sanaysay 
    • Tinawag ding sanaylakbay ni Nonon Carandang na binubuo ng tatlong konsepto: ang sanaysay, sanay, at lakbay
  • Halimbawa ng Lakbay Sanaysay
    1. Travel blog
    2. Travel show
    3. Travel guide
  • Uri ng Sanaysay
    1. Pormal
    2. Di-Pormal
  • Pormal na Sanaysay
    • Nagbibigay impormasyon ukol sa isang pangngalan.
    • Seryoso ang tono ng ganitong uri ng sanaysay
    • Nangangailangan ng masusing pananaliksik
  • Di-Pormal na Sanaysay
    • Palakaibigan ang tono nito
    • Ang paksa ay tumatalakay sa personal na karanasan na mapang-aliw sa mga mambabasa
  • Bahagi ng Sanaysay
    1. Simula / Panimula
    2. Gitna / Katawan
    3. Wakas
    • Ayon kay Alain de Botton, masusukat ang kritikal na pag-iisip ng mga mambabasa kaugnay sa sanaysay kung nag-iiwan ito ng imahen sa kanilang isipan
  • Layunin ng Lakbay Sanaysay
    1. Maitaguyod ng manunulat ang lugar na napuntahan
    2. Maraming kaalaman ang matutukoy at matutuhan
    3. Magbubukas ang turismo sa itinampok na lugar
    4. Maaaring maging reperensya ng mga mahilig maglakbay
    5. Mapalulutang ang damdaming pagpapahalaga at respeto sa kalikasan
  • Kahalagahan ng Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
    1. Manunulat
    2. Lugar na Itinampok
    3. Mga Tao Mula sa Lugar na Itinampok
    4. Mga Mambabasa
  • Katangian ng Manunulat na Naglalakbay
    1. Mahilig maglakbay
    2. Mahusay makisama
    3. Mapagmasid at mausisa
    4. Malikhain
    5. Detalyado at organisado
    6. Matiyaga
    7. Angking husay sa pagkuha ng larawan
    8. May malawak na karanasan
    9. Mahusay sa pagsulat
    10. May layuning nais makamit
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
    1. Magsaliksik kaugnay sa lugar na pupuntahan
    2. Alamin ang layunin ng paglalakbay at pagsulat
    3. Magtala ng mahahalagang impormasyon habang naglalakbay
    4. Kumuha ng mga larawan habang naglalakbay
    5. Suriin ang mga detalyeng nakuha mula sa paglalakbay
    6. Bumuo ng balangkas ng mga nakalap na impormasyon mula sa pananaliksik hanggang sa paglalakbay
    7. Isulat ang lakbay sanaysay
  • NOTE:
    • Gumamit ng unang panauhan at gamitin ang palakaibigan na tono upang mawili ang mambabasa