UNIT 10: REPLEKTIBONG SANAYSAY

Cards (17)

  • Replektibong Sanaysay
    • Pagsulat ng mga ginagagad na mga ideya, konsepto, at katotohanan sa pamamagitan ng malalim, repleksyon, o pagninilay mula sa mga karanasan o nararanasang pagkakataon
    • Ito ang pagsasagawa ng kritikal na pagtataya sa mga karanasan sa buhay kaagapay ng isang mabuti at angkop na gabay (Oxbridge Essays, 2020)
  • Ayon kay Villanueva at Bandril (2016), natatangi ang paraan ng pagsulat ng replektibong sanaysay dahil sa madalas, ito’y isang kwento ng mga karanasan ng mga natutunan
    • Ayon kay Michael Stratford (2018), ito ay isang tiyak na uri ng sanaysay na mayroong kaugnayan sa pagsisiyasat sa sarili o introspeksiyon
  • Layunin at Gamit ng Replektibong Sanaysay (Pangunahing Layunin)
    1. Magsiyasat sa mga karanasan
    2. Magnilay-nilay sa mga positibo at negatibong aspekto ng mga ito
  • Halaga ng Pagkakaroon ng Repleksyon (Moon, 2019)
    1. Maproseso ang ating sariling pagkatuto
    2. Mabalik-tanaw ang ilang bagay — sariling asal, mga nagawa, o produkto ng inasal ng isang indibidwal sa ibang tao
    3. Makabuo ng teorya mula sa mga naobserbahan
    4. Mapaunlad ang sarili 
    5. Magkaroon ng sariling desisyon at maresolba ang sariling suliranin
    6. Mabigyan ang sarili ng kalakasan at kalayaan bilang isang indibidwal
    • Ang replektibong sanaysay ay naglalaman din ng mga makatotohanang impormasyon na may layong maglahad, maglarawan, magsalaysay, manghikayat, at mangatwiran.
    • Ayon kay Santiago (1995), ang pagbuo ng maayos na banghay ay nagsisiwalat sa tiyak na paraan ng pagsasalaysay ng iyong mga pagninilay-nilay
  • Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay (BUOD)
    1. Panimula
    • Pangunahing kaisipan
    • Layunin at tunguhin ng sulatin
    1. Katawan
    • Pagnilay-nilay sa mga karanasan, mga asal, at tugon
    1. Wakas o Konklusyon
    • Kasagutan sa pangunahing kaisipan, layunin, at tunguhin ng sulatin
  • Panimula
    • Pinakamahalagang bahagi ng sanaysay (dapat ay nakapupukaw ito ng atensiyon upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa)
  • Katawan
    • Sa bahaging ito makikita ang pagtatalakay sa mahahalagang paksa ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay
  • Katawan
    Nagsisilbing kapares ng lahat ng mga talatang malilikha sa nilalaman ng sulatin sapagkat naitatampok nito ang iba’t ibang aspekto o lawak ng pagninilay
  • Wakas o Konklusyon
    • Dito nakalagay ang pangwakas na salita o buod sa sanaysay
    Nagsasara ang talakayan na naganap sa katawan
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay (BUOD)
    1. Deskripsyon
    2. Damdamin
    3. Ebalwasyon
    4. Analisis
    5. Konklusyon
    6. Planong Aksyon
  • Mga Hakbang (In-Depth)
    1. Mag-isip ng isang pangyayari o sitwasyon na maaaring maging paksa
    2. Magsagawa ng mind mapping
    3. Sumulat ng matibay at kaakit-akit na panimulang talata
    4. Ihayag ang mga argumento
    5. Sa unang pangungusap ng konklusyon, lagumin ang lahat ng mga kaisipan sa panimula at katawan
  • Madalas na Pagkakamali sa Pagsulat
    1. Ang paglalagay ng sobra-sobrang personal na impormasyon
    2. Pagsasantabi sa estruktura o banghay
    3. Masyadong impormal
  • NOTE:
    Mahalaga ang maging matimpi sa pagbabahagi upang mapanatili ito bilang isang akademikong sulatin