PagPag

Cards (35)

  • Pananaliksik
    Sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
  • Pananaliksik
    • Lalapatan ng interpretasyon upang lubos na maunawaan ang resulta ng pagsasaliksik
    • Maingat, siyentipiko at organisadong proseso
  • Pananaliksik
    • Nakadidiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid ng phenomena
    • Nakakikita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo
    • Napabubuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga instrumento o produkto
    • Nakalilikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan, at iba pang larangan
  • Kabutihang dulot
    • Nadagdagan at lumalawak ang kaisipan
    • Lumalawak ang karanasan
    • Nalilinang ang tiwala sa sarili
  • Tungkulin ko
    • Sumagot sa sariling katanungan at patunayan sa sarili ang mga pag-aakala at pananaw nito
    • Igalang ang mga datos na nakalap, (intellectual property), at mga taong kakapanayamin
    • Pagkaroon ng kredibilidad, (originality)
  • Plagiarism
    • Minimalistic Plagiarism - Ang mga ideya o konsepto na nakuha o nabasa mo mula sa kanilang sources ay ginamit pero sarili nilang salita o paraphrasing
    • Full Plagiarism - Tumutukoy sa parehong-pareho mula sa iyong pinagkunan
    • Partial Plagiarism - Mayroong dalawa o mahigit pa ang iyong pinagkukunan at kombinasyon ng mga ito ang kinalabasan ng iyong ginawa
    • Source Citation - Ito ay tumutukoy sa uri ng plagiarism kung saan maaring binigay ang pangalan ng may-akda o pinagkunan pero hindi na madaling mahanap dahil kulang o hindi sapat ang impormasyon na binigay
    • Self-Plagiarism - Inilathala mo ang isang materyal na nailathala na pero sa ibang mediyum
    • Intellectual Property Law - Uri ng batas kung saan ang mga nag-imbentong mga manunulat, artist, atbp., ay binibigyan ng 'exclusive property rights' o sila ang kinikilalang nagmamay-ari ng kanilang ginawa
  • Etika ng Mananaliksik
    • Paggalang sa karapatan ng iba
    • Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
    • Pagiging matapat sa bawat pahayag
    • Pagiging obhektibo at walang kinikilingan
  • Mga katangian ng mananaliksik
    • Masipag at matiyaga
    • Maingat
    • Masistema
    • Mapanuri
  • Panimulang Pananaliksik (Basic Research)
    Mga pananaliksik na agarang nagagamit ang resulta sa pagpapabuti o pagpapalalim ng kaalaman tungkol sa isang bagay
  • Pagkilos na Pananaliksik (Action Research)
    Mga pananaliksik na isinasagawa upang maresolba o masagot ang isepesipikong tanong o problema ng isang larangan
  • Pagtugong Pananaliksik (Applied Research)

    Mga pananaliksik na ginagawa upang malutas ang kuryosidad ng mga mananaliksik
  • Kwantitatibong Pananaliksik (Quantitative Research)

    Isang imperikal na imbestigasyon ng iba't-ibang paksa at penomenang panlipunan na nagbabatay sa matematika, numero, estadistika, at mga pamamaraan na nasasagot ng pagkokompyut
  • Kwalitatibong Pananaliksik (Qualitative Research)

    Malalim na pag-aaral tungkol sa mga paksang hindi kayang sukatin sa tiyak na paraan
  • Deskriptibong Pananaliksik (Descriptive Research)

    Mga pananaliksik na sumasagot lamang sa katanungan ng ano, saan, sino, kailan, at paano
  • Historikal na Pananaliksik (Historical Research)
    Pananaliksik na ginagawa upang mas maunawaan ang nakaraan
  • Pag-aaral ng Kaso o Karanasan (Case Study)
    Isang komprehensibong pag-aaral sa isang pangyayari na humihingi ng matinding obserbasyon at dedikasyon dahil kadalasan mahaba ang penomenang pinag-aaralan sa uri ng pananaliksik na ito
  • Komparatibong Pananaliksik (Comparative Research)
    Mga pag-aaral na nagkukumpara ng mga aspeto upang mas maunawaan ang isang penomena
  • Etnograpikong Pag-aaral (Ethnographic Research)
    Pananaliksik ng iba't ibang kaugalian, pamumuhay, at kultura ng iba't ibang komunidad sa pamamagitan ng hindi lamang basta basta obserbasyon ngunit kinakailangang maranasan din ng mananaliksik ang mga salik na kanyang pinag-aaralan
  • Komparatibong Pananaliksik (Comparative Research)
    • Mga pag-aaral na nagkukumpara ng mga aspeto upang mas maunawaan ang isang penomena
    • Kadalasang ginagamit bilang analisis ng mga aspeto upang makita ang pagkakapareho, pagkakaiba, at mga dapat ayusin sa isang pag-aaral
  • HALIMBAWA
    • Pag-aaral sa ekonomiya ng lahat ng bansang kabilang ng ASEAN
    • pananaliksik sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas at Thailand
  • PANANALIKSIK
    Isang sistematikong pagsulat ng papel na lubhang mahalaga dahil ang resulta na nakukuha rito ay nakatutulong upang maimpruba ang isang industriya o larangan
  • Ang pananaliksik ay binubuo ng limang kabanata
  • Bahagi ng Pananaliksik
    • Kabanata I: Suliranin at Kaligiran
    • Kabanata II: Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
    • Kabanata III: Disenyo at Metodo ng Pananaliksik
    • Kabanata IV: Presentasyon ng mga Datos
    • Kabanata V: Buod, Kongklusyon, at Rekomendasyon
  • Kabanata I: Suliranin at Kaligiran
    Naglalaman ng mga seksyon na tinatalakay ang mas malalim na konspeto ng pananaliksik upang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagsasaliksik para sa isang paksa
  • Nilalaman ng Kabanata I
    • A. Panimula
    • B. Paglalahad ng Suliranin
    • C. Kahalagahan ng Pananaliksik
    • D. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral
    • E. Teorya ng Pananaliksik
    • F. Konspetwal na Balangkas
    • G. Depinisyon ng mga Termino
  • Kabanata II
    Naglalaman ng mga suportang literatura at pag-aaral upang pagtibayin ang reperensiya ng pag-aaral
  • Kabanata III
    Nagtatalakay ng mga paraan at proseso upang mainterpreta ng maayos ang mga datos. Inihahayag dito ang mga plano ng pananaliksik para malutas ang mga layunin at suliranin ng pag-aaral
  • Nilalaman ng Kabanata III
    • A. Disenyo ng Pananaliksik
    • B. Metodo ng Pananaliksik
    • C. Respondente ng Pag-aaral
    • D. Instrumento ng Pananaliksik
    • E. Statistikal Tritment ng mga Datos
  • Kabanata IV
    Presentasyon ng mga Datos
  • Sa kwantitatibong uri ng pananaliksik, dito inihahayag ang mga bilang at porsyento ng mga datos na sinagot ng mga respondente. Maaring gumamit ng mga grapikong ilustrasyon gaya ng bar graph, line graph, at pie chart upang mas maayos maipakita ang mga resulta
  • Sa kwalitatibong uri ng pananaliksik, sa kabanatang ito nakalahad ang masusing pagtalakay at paliwanag sa mga sagot ng respondente
  • Kabanata V
    Buod, Kongklusyon, at Rekomendasyon
  • Buod
    Nakasaad dito ang kabuuan ng pag-aaral batay sa mga resulta ng pananaliksik. Inihahayag ng mananaliksik sa seksyong ito ang general na konspetong nakuha mula sa pag-aaral
  • Konklusyon
    Nakasaad dito ang maikling interpretasyon at mga nakuhang impormasyon mula sa mga datos. Dito pinatotohanan ng mananaliksik kung nabatid ba ng pag-aaral ang layunin nito
  • Rekomendasyon
    Nakasaad dito ang mga mungkahi ng mananaliksik o mga matalinong suhestiyon para sa patuloy na pag-aaral sa paksang sinaliksik