Q4 ESP MODULE 13 TEST

Cards (23)

  • Pagsisinungaling
    Ang tawag sa hindi pagpili o pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay paghadlang sa bukas at kaliwanagan ng bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao.
  • Jocose lie
    pagsisinungaling na ang nais ihatid ay kasiyahan lamang
  • Officious lie
    pagsisinungaling na ang nais ay ipagtanggol ang sarili o di kaya ay lumikha ng eskandalo upang doon maibaling ang usapin
  • Pernicious lie
    pagsisinungaling na sumisira sa reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
  • Lihim at prinsipyo ng confidentiality
    Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.
  • Natural secrets
    ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa. 2. Promised secre
  • Promised secrets
    ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito
  • Committed or trusted secrets
    naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga kasunduan upang ito ay mailihim ay maaaring:
    1. Silence o pananahimik
    2. Evasion o pag-iwas
    3. Equivocation o pagbibigay ng salita na may dalawang ibig sabihin
    4. Mental reservation o pagtitimping pandiwa
    APAT NA PAMAMARAAN AYON SA AKLAT NI VITALIANO GOROSPE (1974) NG PAGTATAGO NG KATOTOHANAN
  • Silence o pananahimik
    pagtanggi sa pagsagot sa katanungan na maaaring magtulak sa isang tao na sambitin ang katotohanan
  • Evasion o pag-iwas
    pagliligaw sa isang taong nangangailangan ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang katanungan
  • Equivocation o pagbibigay ng salita na may dalawang ibig sabihin

    Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
  • Mental preservation o pagtitimping pandiwa
    paggamit ng mga salita na hindi nagbibigay ng tiyak na impormasyon sa nakikinig kung ito ba ay may katotohanan o wala.
  • Prinsipyo ng confidentiality
    ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan.
  • Artikulo, A. et al, 2003
    Ito ay isang paglabag sa Intellectual Honesty. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap.
  • Atienza, et al, 1996

    Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi iyo
  • Prinsipyo ng intellectual honesty
    ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga salita, at mga datos na nakuha at nahiram na dapat bigyan ng kredito o pagkilala sa may-akda o pinagmulan.
    1. Magpahayag sa sariling paraan
    2. Magkaroon ng kakayahang makapagbigay ng sariling posisyon
    3. Tamang pagsusuri sa gawa ng iba
    Paano ito maiiwasan ang plagiarism?
  • Intellectual piracy
    Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines.
  • Copyright holder
    ang tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo.
    1. Presyo
    2. Kawalan ng mapagkukuhanan
    3. Kahusayan ng produkto
    4. Anonymity
    5. Sistema
    Mga dahilan kung bakit patuloy na umiiral ang Intellectual Piracy kahit na ito ay taliwas sa Intellectual Property Code of the Philippines.
  • Whistleblowing
    ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/ korporasyon.
  • Whistleblower
    ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon.