2

Cards (15)

  • Paksa
    Sentro o pangunahing ideya na nagbibigay daan sa takbo ng isinasagawang pananaliksik
  • Pagpili ng Paksa
    • Huwag piliin ang paksang nagawaan na ng pag-aaral upang maiwasan ang paulit ulit
    • Maraming maaaring panggalingan ang paksa: sarili, karanasan, nabasa, narinig napag-aralan o mga tao sa paligid
  • Mahalagang Puntos sa Pagpili ng Paksa
    • Kahalagahan at Kabuluhan ng Paksa
    • Interes sa Paksa
    • May Sapat na Impormasyon
    • Haba ng Nakalaang Panahon para Isagawa ang Pananaliksik
    • Kinakailangang Gastusin
  • Iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa mga pinagtatalunang paksa na may kinalaman sa relihiyon at usapin ng moralidad na mahirap hanapan ng obhetibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtatalakay, mga kasalukuyang kaganapan at isyu dahil maaaring wala pang gaanong materyal na magagamit bilang saligan ng pag-aaral, at mga paksang itinuturing na "gasgas" o gamit na gamit sa pananaliksik ng mga mag-aaral
  • Paano bumuo ng Paksa sa Pananaliksik
    1. Ano-ano ang paksa ang maaaring pag-usapan?
    2. Ano-ano ang kawili-wili at mahahalagang aspekto ng paksa?
    3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
    4. Ano-ano ang suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa at daigidig ang ipinakikita o kaugnay ng paksa?
    5. Bakit kailangang saliksikik at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga suliranin?
    6. Sino-sino ang kasangkot?
    7. Anong panahon ang sinasaklaw ng paksa?
    8. Paano ko ipapahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
    9. Paano ko pag-uugnayin at pagsusunod-sunorin ang mga ideyang ito?
  • Upang maiwasang maging masaklaw ang pag-aaral, bigyang pansin ang paglilimita sa panahong saklaw ng pag-aaral, gulang ng mga kasangkot, kasarian ng mga kasama, lugar na kasangkot, pangkat ng taong kinabibilangan, at kombinasyon ng iba pang batayan
  • Pamagat/ Paksa
    Ayon kay Bernales (2009), ang pamagat ng pananaliksik ay kailangang maging malinaw at hindi matalinhaga, tuwiran hindi maligoy at tiyak hindi masaklaw
  • Pagsulat ng Balangkas
    1. Nabibigyang direksyon nito ang pananaliksik
    2. Nailalahad nang maayos ang mga impormasyong nakalap
    3. Nabibigyang linaw ang isang paksa
    4. Naihahanay nang tamaang isang datos
  • Uri ng Balangkas
    • Balangkas na Papaksa ( Binubuo ito ng mga salita at parirala. Pangkalahatan ang pagtingin sa ganitong balangkas at nagsisilbing gabay upang tingnan sa kabuuan ang gagawing pananaliksik.)
    • Balangkas na Papangungusap (Binubuo ito ng mga pangungusap na nagsasaad ng kompletong ideya. Mas detalyado ito sa kaysa sa balangkas na papaksa.)
    • Balangkas na Patalata (Gumagamit ito ng pariralang may maikling buod upang ipaliwanag ang bawat paksa at binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.)
  • Karaniwan ginagamit ang Numero-letrang Pormat sa pagbabalangkas
  • Paraan ng Pagbuo ng Balangkas
    1. Ayusin ang pangungusap o pahayag dahil ito ay nagpapahayag ng kalahatang ideya
    2. Itala ang mga susing ideya o mahahalagang salita na ginamit
    3. Tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga ideya
    4. Pagpasiyahan ang uri o lebel ng pagbabalangkas
    5. Isaayos ang pormat
  • Konseptong Papel
    • Dito matutukoy ang mga bagay o konsepto na sasaliksikin
    • Isang kalahatan na nabuong ideya mula sa isang framework na poproblemahin
    • Batayang tuntungan sa pagbuo ng pananaliksik
    • Nakaugat sa tagumpay pananaliksik ang mga SIMULAIN at HAKBANG kaugnay ng pagbuo
    • Mungkahi o rekomendasyon
    • Mas maikli kaysa sa orihinal o pinal na pananaliksik
    • Maikli rin ang panahon sa paggugol nito sapagkat daloy lamang ito ng pinal na pananaliksik
    • LIMANG PAHINA
  • Bahagi ng Konseptong Papel
    • Rasyonal
    • Layunin
    • Metodolohiya
    • Inaasahang bunga
  • Hakbang sa Pagbuo ng Konseptong Papel
    1. Magplano at Magsiguro
    2. Mag-isip at Magmuni-muni
    3. Maghanda at Mangolekta
    4. Magtanong at Magmungkahi
  • Katangian ng Konseptong Papel
    • Maikli ngunit Malinaw
    • Makatotohanan at Makatarungan
    • Mapagmulat at Mapagpalaya
    • Makapangyarihan