Lesson 3 (Sektor ng Agrikultura at Industriya)

Cards (23)

  • Agrikultura - Isang agham na nakatuon sa paggawa ng mga pagkain at produkto sa pamamagitan ng pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at pagbubungkal ng lupa.
  • Crop Production - Subsektor ng agrikultura na ukol sa pagsasaka na siyang paggamit sa lupa para sa pagtatanim ng palay, prutas, niyog, at gulay.
  • Livestock Farming at Animal Husbandry - Ito ay ang paghahayupan o ang pag-aalaga at pagpaparami ng hayop.
  • Fishery - Larangan ng paghuli, pangangalaga, at pagbebenta ng mga isda.
  • Munisipal - Uri ng paraan ng pangingisda kung saan ang pangingisda ay ginagawa lamang sa yamang tubig na bahagi ng isang munisipalidad.
  • Komersiyal - Ang ganitong uri ng pangingisda ay naglalayong makahuli ng mga lamang dagat na ipagbibili.
  • Aquaculture - Ito ang makabago at kontroladong paraan ng produksiyon ng isda.
  • Forestry - agham o larangan ng pangangalaga, pagsasaayos, at paggamit nang wasto sa mga kagubatan.
  • Comprehensive Agrarian Reform Program - Naglalayon na ipamahagi ang mga lupa sa mga magsasaka (tenant) upang magkaroon sila ng sariling lupa na isasaka.
  • Importation o Pag-angkat - Ito ang pagbili ng produkto mula sa ibang bansa upang matugunan ang kakulangan nito sa sariling bansa
  • Quantitative Restriction - Ito ay nangangahulugang may limitasyon lamang ang dami ng bigas na maaring ipasok sa bansa.
  • Philippine Fisheries Code ng 1998 - Ito ay kilala rin bilang Batas Repubika Blg. 8550 na naglalayong pataasin ang produksiyon ng subsektor ng pangingisda sa bansa at protektahan ang yaman-pangisdaan sa Pilipinas.
  • National Integrated Protected Areas System (NIPAS) - Kilala rin bilang Batas Republika Blg. 7586 na naipasa noong 1992 at naglalayon na mapangalagaan ang mga kagubatan at mga likas na pananim at hayop sa Pilipinas.
  • Modernization Theory - Ayon sa teoryang ito, anomang bansa ay dumadaan sa transpormasyon.
  • Industriya - Sektor ng ekonomiya na nakatuon sa paglikha ng mga pagawaan na gumagamit ng makina sa operasyon.
  • Mining - Ito ay ang pagkuha, paghahanap, o paghuhukay ng mga mineral na matatagpuan sa ilalim ng lupa.
  • Konstruksiyon - Ito ang subsektor ng industriya na responsable sa pagtatayo ng ga kalsada, gusali, daungan, paliparan, at iba pang imprastruktura.
  • Manufacturing - Ito ang bumubuo ng mga damit, makina, papel, muwebles, kasangkapan at iba pang prinosesong produkto.
  • Electricity - Subsektor ng Industriya na araw-araw napapakinabangan ng mamamayan. Ito ay mahalaga sa pagpapatakbo ng mga negosyo, paaralan, kompanya, tahanan, at iba pa.
  • Filipino First Policy - Polisiya sa ilalim ni Pangulong Carlos P. Garcia na naglalayon na higit na mapahalagahan ang mga Pilipino kaysa dayuhan.
  • Oil Regulation Law - Batas Republika Blg. 8479 sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagsasaad na ang pamahalaan ay hindi makikialam sa presyo, pagluwas, pang-angkat ng langis, maging sa pagtatayo ng mga gasoline station, storage depot, at refinery.
  • Microfinancing - Ipinatupad ang General Banking Law at binibigyang diin dito ang microfinancy. Ito ay isang uri ng pinansiyal na serbisyo o pagpapautang sa maliliit na indibidwal o grupo ng mga negosyante.
  • eCommerce - Ito ay ang paggamit ng internet bilang pangunahing instrumento sa pagsasagawa ng mga transaksiyon ng negosyo.