Mga dapat gawin habang isinasagawa ang pulong
1. Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa
2. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa
3. Itala kung anong oras nagsimula ang pulong
4. Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos
5. Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon, at ang naging resulta ng botohan
6. Itala at bigyang-pansin ang mga mosyong pagbobotohan o pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong
7. Itala kung anong oras natapos ang pulong