AP

Cards (45)

  • Kolonyalismo
    Pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa
  • Imperyalismo
    Pagsakop o pagkontrol ng makapangyarihang bansa sa pangkabuhayan at pampolitikal na aspekto ng bansang sinakop
  • Ang mga Portugese ang unang bansang Kanluraning dumating sa India noong 1848
  • Ang mga British ay nagtalaga ng kompanya na namahala sa pagtatag ng mga himpilang pangkalakalan sa Asya
  • Maharajah o Nawab
    Mga dating gobernador ng mga lokal na pamahalaan ng Imperyong Mughal
  • Sepoy
    Mga sundalong Indian na sinanay ng mga Kanluranin para sa pakikipaglaban
  • Asylum
    Proteksiyong ipinagkaloob ng isang bansa sa isang bansa sa isang lumikas sa sariling bansa bilang takas na political
  • Ang Labanan sa Plassey ay naganap sa Palasahi, Calcutta, timog India noong Hunyo 23, 1757. Ang labanang ito ay naganap sa pagitan ng British East India Company na pinamunuan ni Robert Clive, unang gobernador ng British Presidency sa India at ni Siraj-Ud-Daula, maharajah sa Bengal
  • Ang pamamahala ng British East India Company ay nahahati sa dalawang kategorya ng lalawigan o provinces at kaharian or princely states
  • Kartutso
    Maliit na metal na sisidlan ng pulbura at bala ng baril
  • Ang Pag-aalsang Sepoy ay itinaguriang kauna-unahang pakikipaglaban ng mga Indian para sa pagtatamo ng kasarinlan
  • Dahil sa naganap nap ag-aalsa ng Sepoy, and India ay tuwiran nang pinamahalaan ng Britain. Kaagad ipinatupad ng Britain ang Act for Better Government of India noong Agosto 1858
  • Divide and Rule
    Patakarang may intensiyong magpasimula ng hindi pagkakaunawaan
  • Dahil sa naganap na Rebolusyong Industriyal, ang Britain ay nagmistulang pamilihang pandaigdig at ang India ang nagsilbing tagatustos ng hilaw na materyales na kailangan ito
  • Dating nagluluwas ng hinabing tela sa maraming rehiyon ng Asya at Africa ngunit tagaluwas na lamang ito ng hilaw na materyales
  • Sinimulan ni Charles Cornwallis, gobernador-heneral ng Britain sa India, ang pirmahang pananahanan ng India
  • Money-lender
    Pangkat ng mga mamamayang nagpapautang ng may mataas na interes
  • Thuggi
    Pinaniniwalaan ng mga eksperto na isang relihiyosong kulto kung saan kinakailangang mag-alay ng buhay bilang sakripisyo sa diyosang si Kali
  • Suttee
    Pagsama ng isang biyuda sa kaniyang yumaong asawa habang ito ay sinusunog
  • Osman
    Mga sultan o caliph na pinuno ng mga Islamic ummah o ummat
  • Ang Imperyong Ottoman ay namuno mula Hulyo 27, 1299 hanggang Oktubre 29 , 1923
  • Noong panahon ng katanyagan nito (ika-16 hanggang ika-17 na siglo), saklaw ng imperyo ang timog-silangang Europe, Kanlurang Asya, at Hilagang Africa
  • Mandato
    Teritoryong ibinilagay sa proteksiyon ng mga makapangyarihang bansang European hanggang sa ang mga ito ay may kakayahan nang pamahalaan ang mga sarili
  • Spheres of Influence
    Pantay na pakikibahagi ng mga bansang banyaga sa lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang maaring ipagkaloob ng isang bansa
  • Mga Kasunduan ng Sykes-Picot Agreement
    • Perpetual Maritime Truce ng Britain sa Bahrai, UAE, at Oman noong 1853
    • Kasunduan ng 1892
    • Kasunduang 1899 at 1916
  • Levant
    Mga teritoryong nasa silangang bahagi ng Mediterranean. Ito ay binubuo sa kasalukuyan ng Cyprus, Lebanon, Syria, mga teritoryo ng Palestine, Jordan, Israel, at katimugan ng Turkiye
  • Ang Treaty of Sevres ay ginanap noong Agosto 10, 1920 pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pagkakataong ito kaagad hinati ng France ang rehiyon sa Syria, Lebanon, Palestine, Israel, Jordan, Cyprus
  • Balfour Declaration

    Liham na nagmula kay Aurthur James Balfour, kalihim panlabas ng Britain kay Lord Rothschild, kilalang miyembro ng pinakamaimpluwensiyang pamilyang Jew noong ika-19 siglo at lider ng British Jewish Community
  • Ang pagkatatag ng Israel ay kinilala ni Pangulong Harry S. Truman ng US at Joseph Stallin ng Union of Soviet Socialists Republic
  • Buffer State
    Tumutukoy sa isang teritoryong pagitan ng hangganang dalawang makapangyarihan o maaring maging potensiyal na magkalabang bansa
  • Ang nasyonalismong Indian ay nagsimula ng umusbong sa pagsisimula ng pag-iisa ang kilusang Indian Independence Movement noong panahon ng Pag-aalsang Sepoy
  • Hangad ng All Indian Muslim League ang pagtatag ng bansang Muslim na nakahiwalay sa India
  • Ang Rowlatt Act ay batas na nakapaloob ng karapatan sa pamahalaang British na suplin at ikulong ng dalawang taon, ang sinumang tututol sa patakarang British, ng walang paglilitis
  • Satyagraha
    Walang karahasang paghihimagsik o pagtutol sa anumang batas na ipinatupad ng pamahalaan upang ito ay mahikayat na lumikha ng pagbabago
  • 5 Utos ni Gandhi
    • Iwasan bilhin ang anumang gawa mula sa Britain
    • Iwasan ang pagpapasok sa mga paaralang pampubliko
    • Tutulan ang pagbayad ng buwis
    • Iwasan ang pakikiisa sa halalan
    • Iboykot ang kasuotang yari sa Britain
  • Noong 1930 naglunsad si Gandhi ng mapayapang protest ana Salt March o Salt Satyagraha Campaign
  • 3 Mahalagang Kilusang Nasyonalista
    • Nasyonalismo ng mga Turk
    • Nasyonalismo ng mga Arab
    • Kilusang Zionism
  • Mustafa Kemal Ataturk
    Rebolusyonaryong Politiko, Ama ng Republikong Turkiye
  • 6 na Palaso
    • Republicanism: Pamamahala mula sa hinalal na mamamayan
    • Nationalism: Pagkakaroon ng pagkakakilanlan ng Turk
    • Populism: Pagkakaisa ng mga mamamayang Turkish sa layunin ng bansa
    • Revolutionism: Malawakang pagbabago sa bansa upang mapalitan ang lahat ng sistemang Ottoman
    • Secularism: Pag-alis ng kapangyarihan ng relihiyon sa bansa
    • Statism: Pamamahala ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
  • 5 Tinatag ng Mga Arab Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
    • Arab Union
    • Arab League
    • Arab Federation
    • United Arab Emirates
    • Arab Maghreb Union