KABANATA 11-20

Cards (32)

  • Tinawag na Padre Garrote si Padre Damaso dahil sa kanyang ugaling malupit at mapang-abuso sa mga taong nasasakupan nito lalo na ang mga Indio.
  • Ang Kabanata 11 ay nagtatalakay ng mga makapangyarihan sa bayan ng San Diego.
  • "Tasyong Baliw" ang katawagan ng mga taong 'di nakapag-aral at "Pilosopong Tasyo" naman para sa mga taong nakapag-aral.
  • Ang Alperes ay ang pinuno ng pulisya ng bayan ng San Diego.
  • Nakatutulig o nakaririndi ang pagpapalahaw ng iyak ni Crispin na naririnig ni Basilio.
  • Kabanata 13 na pinamagatang "Hudyat ng Unos" ay nagpapahayag ng paghahanap ni Ibarra sa bangkay ng kanyang ama at ang paglalantad sa katotohanang ang bangkay ng kanyang ama ay inanod.
  • Si Padre Salvi ang bagong kura ng San Diego na siyang pinalitan si Padre Damaso sa katungkulan.
  • Sa kalapastangan ng tagapaglibing sa katiwasayan ng pagkalibing kay Don Rafael Ibarra ay nasabihan ito ni Ibarra ng "Sawimpalad" o hindi maganda ang buhay o inabot ng masamang karanasan.
  • Ang Todos Los Santos na pamagat ng Kabanata 12 ay nagbibigay-diin sa pagbibigay-halaga at pagsamba sa mga namatay na ninuno.
  • Don Anastacio ang tunay na pangalan ni Pilosopong Tasyo o Tasyong Baliw.
  • Sa labis na takot ng kanyang ina na sa taglay nitong dunong ay makalimutan na ang Diyos, pinapili nito si Don Anastacio kung siya ba ay titigil sa pag-aaral o magpapari.
  • Si Crispin ay ang nakababatang kapatid ni Basilio.
  • Dalawang onsa ang halaga ng ninakaw ni Crispin na siyang paratang lamang sa kanya ng sakristan mayor.
  • Ang hilig kainin ni Crispin ay ang mga magagandang kamatis sa kanilang bakuran at ang paborito naman ni Basilio ay ang tapa ng baboy-ramo at isang hita ng patong-bundok.
  • Ang Tawilis ay isang uri ng isdang kulay pilak at metalikong asul na may manilaw-nilaw na palikpik.
  • Ang Partido Liberal ay binubuo ng mga kabataang lider na may mithiin sa darating na kapistahan ng San Diego.
  • Ang Kabanata 19 na pinamagatang "Karanasan ng Isang Guro" ay nagpapahayag ng kasaysayan ng isang guro noong lumuwas patungong Europa si Ibarra.
  • Si Basilio ang tumakas gamit ang pinagdugtong-dugtong na lubid at itinali sa poste ng barandilya sa kamay ng malupit na sakristan mayor.
  • Ang Kundiman ay isang uri ng tradisyonal at malamyos na awit na karaniwang may paksang patungkol sa pag-ibig na siya namang kinakanta ni Sisa habang iniintay ang mga anak bumalik.
  • Ang pamamalo sa mga batang estudyante ay isang paraan ng pagdi-disiplina na kinikilalang tama sa pananaw ng iba ay isang hadlang upang makamtan ang edukasyon bagkus ito laman ay nagdudulot ng takot at pangamba na muling masaktan uli.
  • "Naglilimayon" ay isa pang katawagan sa "Nagsasayang ng Oras."
  • Ang pangunguna ni Kapitan Basilio sa pagtitipon sa tribunal na siyang humantong sa kawalang saysay ng pagpupulong.
  • Ang pag-uusap ni Ibarra at ng isang guro ay nakatalaga sa Kabanata 19.
  • Si Pedro ang iresponsableng asawa't ama ng mag-inang Sisa, Basilio, at Crispin.
  • Sa Kabanata 20 na pinamagatang "Pulong ng Bayan" o "Pulong sa Tribunal," nakapaloob ang taktikang ipinayo ni Pilosopong Tasyo sa mga kabataang lider patungkol sa mga mungkahing patuloy na hindi sinasang-ayunan ng kabilang partido.
  • Si Sisa ay namitas ng pinakamagagandang gulay sa kanilang bakuran upang ihandog sa kura na nakapaloob sa Kabanata 18 na pinamagatang "Nagdurusang Kaluluwa."
  • Si Crispin ay kinaladkad ng sakristan mayor pababa ng hagdan.
  • Si Tasyo ay nalulong sa pagbabasa kaya't napabayaan ang kanyang ari-arian at tuluyang naghirap.
  • Ang purgatoryo ay kalagayan o pook para sa paglilinis ng kaluluwa. Ito ay nasambit sa Kabanata 18.
  • Inihambing ang siyudad ng Roma sa bayan ng San Diego sa Kabanata 11.
  • Ang Alperes ay ang tanging kaaway ni Padre Salvi sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego.
  • Kapag "Hoy, maghanda ka ng sikulate, e!" ito ay nagpapahiwatig na malapot ang tsokolateng ihahandog, ngunit kapag ito ay "Hoy, maghanda ka ng sikulate, a!" ang ibig sabihin naman nito ay malabnaw . Ito ay isinambit ng Alperes sa Kabanata 11 sa mga may nais bumisita sa kura.