KABANATA 21-30

Cards (31)

  • Ang inakalang banak na nahuli ay isa pa lang mabangis na buwaya.
  • Tumugtog ng alpa si Maria Clara sa kalagitnaan ng pangingisda sa lawa sa Kabanata 23.
  • Nang nakakita ni Sisa ang dalawang gwardiya sibil ay bigla itong tumingala sa langit at ngumingiti ng bahagya na tila 'di mawari.
  • Si Elias ang lumapastangan kay Padre Damaso.
  • Nanganlong si Padre Salvi sa likod ng mga puno at pinagmasdan ang mga dalagang naglalaro sa batisan. Ito ay nakapaloob sa Kabanata 24 na pinamagatang "Sa Gubat."
  • Ang telegrama ay mensaheng ipinadadala sa pamamagitan ng telegrapo at karaniwang inihahatid sa anyong nakasulat.
  • Si Pilosopong Tasyo ang hiningan ng payo ni Ibarra sa pagpapatayo nito ng paaralan sa San Diego. Ito ay nasa Kabanata 25 na pinamagatang "Sa Bahay ng Pantas."
  • Ang pagtuturo ng kababaang-loob ni Tasyo kay Ibarra na magbigay-alam sa kura sa hangarin nitong magpatayo ng paaralan.
  • Si Padre Damaso Verdolangas ay ang naatasang maghayag ng homiliya sa kapistahan ng bayan.
  • "Surge Domine" ang hudyat ng pagsisimula ng prusisyon sa loob ng simbahan na siyang binigkas ni Padre Sibyla.
  • Ang kapistahan ng Birhen ng Kapayapaan ay ipinagdiriwang ng Confraternity of the Holy Rosary na itinaguyod ng mga Dominiko.
  • Ang kapistahan ni San Diego de Alcala ay ipinagdiriwang ng Venerable Third Order na umaalinsunod sa kautusan ng mga Pransiskano.
  • Ang limos ni Maria Clara na relikaryo na puno ng brilyante at esmeralda sa ketongin na nakaengkwentro sa daan.
  • Ang konsepto ng pagbibihis maranya ay nakapaloob sa Kabanata 29 na pinamagatang "Ang Araw ng Pista."
  • Ang sanggol ay napabigkas ng "Pa-pa!" ng makita ang kurang si Padre Salvi.
  • Nobyembre ika-10 ang bisperas ng kapistahan ng San Diego.
  • Kadaldalan ay kung tawagin ng iba ay "Katabilan."
  • Si Sisa ay nakiusap sa mga gwardya sibil na paunahin sa paglakad papuntang kwartel upang hindi ito mapahiya sa mga taong nakakaengkwentro.
  • Ang paanyaya ni Ibarra kay Padre Salvi sa piknik na gaganapin malapit sa kagubatan ay nakapaloob sa Kabanata 22 na may pamagat na "Dilim at Liwanag."
  • Ang pagpunit ni Padre Salvi sa aklat ng gulong ng kapalaran ni Leon ay siyang nagwakas sa kasiyahan ng mga kabataan sa piknik na ginanap.
  • "Mabuti nga at umalis na ang walang pakisama na 'yon" sambit ni Sinang nang umalis ang kura.
  • Ang Ahedres ay isang laro sa pagitan ng dalawang taong may tig-labing anim na piyesa sa ibabaw ng isang tablero.
  • Ang hieroglyphics ay ang unang sistema ng pagsulat ng mga taga-ehypto.
  • Ang mga kilalang manlalakbay na Espanyol na nagtuklas o naggalugad sa bansang Austria at Pilipinas ay sina Pelayo at Elcano.
  • Kaya nagsisiksikan ang mga deboto o panatiko patungo sa loob ng simbahan ay upang maiabot ang daliri sa benditaryong tubig na inaakala nilang nakapagpapagaling ng karamdaman.
  • Mateo 19:14 - bersikulo sa bibliya na nagpapahayag ng, "Hayaan ninyong lumapit ang mga bata saakin..."
  • Si Sister Pute ay ang babaeng ipokrita na gumagaya ng ibang tao kung manalangin at sinasaktan ang apo sa mga bagay na siya mismo ay ginagawa rin.
  • Sinaklolohan ni Ibarra ang pilotong si Elias na sinunggaban ang buwayang nakakulong sa baklad.
  • "Basilio! Crispin!" ang tanyag na pagtawag ni Sisa sa kanyang mga anak.
  • Maestro Juan o Nyor Juan ang arkitekto sa pagpapatayo ng paaralan ni Ibarra.
  • Ang Kabanata 28 ay pinamagatang "Mga Sulat" ay pinapalooban ng mga sulat ng isang persona, sulat ni Kapitan Martin kay Luis Chiquito, at sulat ni Maria Clara kay Ibarra.