mapanuring pagbasa

Cards (44)

  • Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay: 'Flaubert, Gustave'
  • Sa paglalarawan ni Flaubert, ang pagbabasa ay upang mabuhay. Ibig sabihin, mahalaga ang proseso ng asimilasyon ng anomang binabasa sa buhay ng isang tao.
  • PROSESO NG PAGBASA
    • KAALAMANG PONEMIKO
    • PAG-AARAL NG PONOLOHIYA
    • KATATASAN
    • BOKABOLARYO
    • komprehensyon
  • Walang saysay ang mensahe kung walang nakakaunawa nito. Kailangan ng mambabasa ang interaksyon sa mga salita. Ang komprehensyon ng salita ang siyang nagbibigay ng kabuuang kahulugan at pag-iintindi ng iyong mensahe. Walang saysay ang mga nakaraang proseso kung walang nakakaunawa or komprehensyon sa salita. Kailangan may koneksyon tayo sa ating binabasa upang mapaabot ang mensahe.
  • Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon na iba't iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon.: 'Anderson et al., 1985, Becoming a nation of readers'
  • pagbasa ay proseso ng pagbuo ng kahulugan:
    1. imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa
    2. impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa
    3. Kontekstong kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa'
  • Pagbasa
    Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. Ang proseso ng pagbasa ay nangangailangan ng patuloy na pagsasanay, pagpapaunlad, at pagpipino ng kasanayan. Dagdag pa, kailangan ang pagiging malikhain at kritikal na pag-iisip sa pagbabasa.
  • Dalawang Pangkalahatang Kategorya ng Mapanuring Pagbasa
    • INTENSIBONG PAGBASA
    • EKSTENSIBONG PAGBASA
  • Intensibong Pagbasa
    Ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda. Madalas na tinatawag ding "narrow reading" ang intensibong pagbasa sapagkat piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa o kaya ay iba't iba ngunit magkakaugnay na paksa ng iisang manunulat.
  • Ang intensibong pagbasa ay detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin.
  • Simbolo
    Upang makakuha at makabuo ng kahulugan
  • Proseso ng pagbasa
    1. Patuloy na pagsasanay
    2. Pagpapaunlad
    3. Pagpipino ng kasanayan
    4. Pagiging malikhain at kritikal na pag-iisip
  • Dalawang Pangkalahatang Kategorya ng Mapanuring Pagbasa
    • Intensibong Pagbasa
    • Ekstensibong Pagbasa
  • Intensibong Pagbasa
    Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda
  • Ekstensibong Pagbasa
    Isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto
  • Ekstensibong Pagbasa
    Nagaganap kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maraming babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura
  • Ang malaya at boluntaryong pagbasa ay maaaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika
  • Sampung Katangian ng Matagumpay na Programa sa Ekstensibong Pagbasa

    • Angkop ang materyales sa kakayahang panglinggwistika ng mag-aaral
    • Mayroong magagamit na sari-saring materyales sa iba't ibang paksa
    • Pinipili ng mag-aaral ang gusto nilang basahin
    • Nagbabasa ang mga mag-aaral ng napakaraming teksto hangga't maaari
    • Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan sa interes at kasiyahang-loob ng mambabasa, pagkuha ng impormasyon, at pangkalahatang pag-unawa
    • Ang nakamit na pagkatuto ang mismong gantimpala sa pagbabasa at hindi anopamang grado o premyo
    • Mabilis ang pagbasa
    • Ang pagbasa ay indibidwal at tahimik
    • Ipinapaliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang kabuuang layunin ng programa
    • Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral sa kasikhayan sa pagbasa
  • Scanning
    Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa
  • Skimming
    Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
  • Antas ng Pagbasa
    • Primaryang Antas (Elementary)
    • Mapagsiyasat na Antas (Inspectional)
    • Analitikal na Antas (Analytical)
    • Sintopikal
  • Primaryang Antas
    Mapagsiyasat na pagbasa upang makamit ang literasi sa pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa isang teksto
  • Mapagsiyasat na Antas
    Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito
  • Analitikal na Antas
    Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat
  • Analitikal na Antas
    1. Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto
    2. Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos ng may-akda
    3. Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may-akda
    4. Unawain ang mahahalagang terminong ginagamit ng may-akda tungo sa pag-unawa ng kabuuang teksto
    5. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda
    6. Alamin ang argumento ng may-akda
    7. Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyonan o nasagot ba ng may-akda ang suliranin ng teksto
    8. Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang, nagkamali, o naging ilohikal ang pagpapaliwanag ng may-akda
  • Sintopikal na Antas
    Nakabubuo ka ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa isang larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa mo
  • Limang Hakbang tungo sa Sintopikal na Pagbasa
    1. Pagsisiyasat
    2. Asimilasyon
    3. Mga Tanong
    4. Mga Isyu
    5. Kumbersasyon
  • Paano mo ginagamit ang iyong paraan ng pag-iisip upang maging isang mapanuring mambabasa?
  • Disiplina
    Ang pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito
  • Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
    1. Limang hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa
    2. Pagsisiyasat
    3. Asimilasyon
    4. Mga tanong
    5. Mga isyu
    6. Kumbersasyon
  • Pagsisiyasat
    Kailangang tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais mong pag-aralan
  • Asimilasyon
    Tinutukoy ang uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kaniyang kaisipan
  • Mga tanong
    Tinutukoy ang mga katanungang nais sagutin na hindi pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng mga naunang eksperto
  • Mga isyu
    Lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang nabuong tanong tungkol sa paksa at may magkakaibang pananaw sa mga binasang akda tungkol dito
  • Kumbersasyon
    Sa kumbersasyon o pag-uusap, nag-aambag ka ng bagong kaalaman na hindi inuulit ang sinabi ng mga naunang eksperto
  • Paano mo ginagamit ang iyong, paraan ng pag-iisip upang maging isang mapanuring mambabasa?
  • Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na muli mo kaming sinamahan sa aming pagtitipon-tipong ito, naway ikaw Panginoon ang manguna sa bawat desisyon na aming gagawin at tanging kaloob mo lamang ang manguna dito. Salamat Panginoon sa lahat ng mga biyaya, pagsubok at kaligtasan na ipinagkaloob mo sa amin, patuloy nyo po kami abutin sa tuwing kami ay nadarapa at gawin instrumento ng iyong mga mabubuting gawa.
  • Ako ay may bukas na kamalayan, direksyong pansarili ,mabuting huwaran at isinasabuhay ang pananampalataya at pinagtitibay ang natatanging katangiang pansarili, paraan ng pag-iisip, talento upang patuloy na malinang ang pagkatuto at personal na katuparan.
  • Natatasa ang natatanging katangiang pansarili, paraan ng pag-iisip, talento at naipaliliwanag kung paano mapagtitibay ang kakayahan sa pamamagitan ng pagsusuri ng teksto bilang isang mapanuring mambabasa upang patuloy na malinang ang pagkatuto at personal na katuparan.
  • Ibigay ang mensahe ng mabuting balita.