Tinatawag ding ekspositori. Ang tekstong ito ay may layuning magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon at ideya.
Ayon kina Jeanne Chall, Vicki Jacobs, at Luke Baldwin (1990), ang kakulangan sa pagtuturo ng mga tekstong impormatibo ay nagdudulot ng pagbaba sa komprehensyon o kakayahang umunawa ng ganito ang mga mag-aaral.
Sanhi at bunga
Nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari.
Paghahambing
Nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.
Pagbibigay-depinisyon
Ipinaliliwanag dito ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto.
Pagkaklasipika
Kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
Denotatibo
Ang literal na kahulugan ng salita na makikita sa diksyonaryo.
Konotatibo
Salitang may patago na kahulugan.
Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulong "Developing ESL/EFL Learner's Reading Crisis: Why Poor Children Fall Behind," mahalagang hasain ng isang mahusay na mambabasa ang tatlong kakayahan upang unawain ang mga tekstong impormatibo.
Pagpapagana ng imbak na kaalaman
May kinalaman sa pag-alala ng mga salita at konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa.
Pagbuo ng hinuha
May kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto na hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw.
Pagkakaroon ng mayamang karanasan
Mas nagiging konkreto ang pagbabasa para sa mga mag-aaral dahil alam nila kung ano ang tinutukoy sa teksto.
Tekstong deskriptibo
May layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, atbp.
Tekstong deskriptibo
Sa nobelang "Dugo sa Bukang-Liwayway" ni Rogelio R. Sicat, matatagpuan sa unang bahagi, "Ang Peregrinasyon," ang detalyadong paglalarawan ng awtor sa isa sa mga pangunahing tauhan na si Tano, na isang magsasaka habang nagtatrabaho sa pilapil.
Tekstong deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o subhetibo at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.
Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espesipiko at maglaman ng mga konkretong detalye.
Obhetibong paglalarawan
Mga direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian.
Obhetibong paglalarawan
Ang kulay ng balat ng aking kaibigan ay kayumanggi.
Ang kursong kinukuha niya ay medisina.
Subhetibong paglalarawan
Maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
Subhetibong paglalarawan
Ang aking kaibigan ay ang aking hingahan ng sama ng loob, madalas na nakakapagpagaan ng mga suliranin, o kaya ay bukas na libro sa lahat dahil sa maingay at liberal nitong katangian.
Sumulat ng tekstong deskriptibo tungkol sa iyong sarili bilang anak, kaibigan at OLPSian-Paulinian na mag-aaral. Layunin ng tekstong isusulat ang kawastuhan, pagkamakatotohanan at kalinawan ng mga impormasyon. Huwag kalimutang lagyan ng pamagat. Isulat ang sanaysay sa isang buong papel (yellow pad) 20 pangungusap.