naratibo prosidyural

Cards (32)

  • Tekstong Prosidyural
    Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang bagay
  • Layunin ng tekstong prosidyural
    Makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao
  • Uri ng tekstong prosidyural
    • paraan ng pagluluto
    • panuto
    • panuntunan sa mga laro
    • manwal
    • mga eksperimento
    • pagbibigay ng direksyon
    • protokol
  • paraan ng pagluluto
    Pinakakaraniwang uri ng tekstong prosidyural. Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto
  • panuto
    Nagbibigay gabag sa mga mambabasa kung paano maisasagawa ang isang bagay
  • panuntunan sa mga laro

    Nagbibigay ng mga gabay sa mga manlalaro na dapat nilang sundin
  • manwal

    Nagbibigay kaalaman kung paano gamitin, paganahin, at patakbuhin ang isang bagay
  • mga eksperimento
    Ito ay ang pagtuklas sa mga bagay na hindi pa alam o napapag-aralan
  • pagbibigay ng direksyon

    Nagbibigay ng malinaw na direksyon para makarating sa destinasyon o lugar na pupuntahan
  • Apat na nilalaman ng tekstong prosidyural
    • layunin o target na awtput
    • kagamitan
    • metodo
    • ebalwasyon
  • layunin o target na awtput
    Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur
  • kagamitan
    Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makumpleto ang isasagawang proyekto
  • metodo
    Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto
  • ebalwasyon
    Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa
  • Pagkakabuo ng tekstong prosidyural
    • pamagat
    • seksyon
    • sub-heading
    • mga larawan o visuals
  • pamagat
    Ito ay nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin
  • seksyon
    Ito ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur
  • sub-heading
    Nagbibigay ng pamagat sa isang seksyon
  • mga larawan o visuals
    Nagpapakita ng larawan upang mas maintindihan ang metodo
  • Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto
  • Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon
  • Katangian ng wika sa tekstong prosidyural
    • Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
    • Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
    • Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip
    • Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon
  • Tekstong Naratibo
    Nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento o tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita o maikling sanaysay)
  • Layunin ng Tekstong Naratibo
    • Magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari; totoo man o hindi
    • Maaaring batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang; o tunay na daigdig o pantasya lamang
    • Manlibang o magbigay aliw sa mga mambabasa
  • Kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat ang mahusay na panitikan ay kinakailangang naglalarawan ng realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri rito.
  • Elemento ng naratibong teksto
    • Paksa
    • Estruktura
    • Oryentasyon
    • Pamamaraan ng Narasyon
    • Komplikasyon at Tunggalian
    • Resolusyon
  • Pamamaraan ng Narasyon
    • Diyalogo
    • Foreshadowing
    • Plot Twist
    • Ellipsis
    • Comic Book Death
    • Reverse Chronology
    • In medias res
    • Deus ex machina (God from the machine)
  • Creative Non-Fiction
    Bagong genre ng malikhaing pagsulat na gumagamit ng estilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon
  • Katangian ng Creative Non-Fiction: naglalahad ng tunay na karanasan sa natural na mundo at hindi ng imahinasyon
  • Layunin ng Creative Non-Fiction
    Maglahad ng impormasyon sa malikhaing paraan
  • Mga porma ng Creative Non-Fiction
    • Biography
    • Food writing/ Blogging
    • Literary journalism
    • Memoir
    • Personal essay
    • Travel writing
  • Katangian ng Creative Non-Fiction
    • Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat
    • Malalim na pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad ng narasyon
    • Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekswalisasyon ng karanasan
    • Mahusay na panulat o literary prose style, na nangangahulugang mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay sa gamit ng wika