LESSON 7

Cards (8)

  • Lakbay-sanaysay
    Travel essay o travelogue, uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay
  • Sanaylakbay
    Binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay
  • Ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga narasan sa paglalakbay
  • Paglalagay ng larawan
    • Dapat isinaayos o pinag-isipang mabuti
    • Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga ito
    • May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya't hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan
  • Mga dahilan ng pagsulat ng lakbay-sanaysay
    • Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat (halimbawa: travel blog)
    • Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay (paglikha ng travelogue)
    • Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili (paglikha ng daily journal o diary)
    • Dokumentasyon ng kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan
  • Pagsulat ng lakbay-sanaysay
    • Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista
    • Sumulat sa unang panauhang punto-de-vista
    • Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay
    • Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay
    • Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
    • Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay
  • Pictorial essay

    Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat
  • Pagsulat ng pictorial essay
    • Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti
    • Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga ito
    • May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya't hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan
    • Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata, kabataan, propesyonal, o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay sa photo essay