Katapatan - ang pagmamahal sa katotohanan. Ang taong matapat ay kinikilala hindi lamang sa kaniyang mga pananalita kundi maging sa kaniyang kilos at pag-uugali.
Katapatan - isa sa napakahalagang birtud na dapat taglayin ng isang tao sapagkat sa pamamagitan nito ay higit na nakikilala ang katotohanan.
Katapatan - ang birtud na humihikayat sa tao upang maging mapagmahal sa katotohanan.
Katapatan - kalagayan sa pagiging tuwid at totoo sa salita at sa gawa sa lahat ng oras at pagkakataon.
" Honesty is the best policy.” - ang taong matapat ay kakikitaan ng pagiging responsable sa kaniyang salita, gawi at kilos.
Katapatan sa salita - ang salita ng isang tao ay isa sa mga paraan kung paano niya ipinahahayag ang kaniyang saloobin at naisip. Isa rin ito sa paraan kung paano ipamalas ang katapatan.
Ang ilan sa mga paraan kung paano ipamalas ang katapatan sa salita ay ang mga sumusunod;
Pagsasabi ng totoo
Pagtupad sa mga pangako
Pag-amin sa mga nagagawang kasalanan
"Action speaks louder than words.” - Kasabihan na nagpapatunay na di hamak na mas binibigyan ng diin ang gawa o kilos kaysa sa salita.
Katapatan sa gawa - maliban sa salita, maipakikita rin ang katapatan sa pamamagitan ng gawa o kilos ng isang tao.
Narito ang ilan sa mga paraan kung paano ipinapakita ang katapatan sa gawa.
Pagbabalik ng bagay na hindi naman sa iyo
Matapat na paggawa ng gawain
Pagbabalik ng sobrang sukli
Pagsasagawa ng tungkulin
Kahalagahan ng Pagpapamalas ng Katapatan
Nagkakaroon ng matibay na relasyon sa kapuwa
Nakukuha ang tiwala ng kapuwa
Nagkakaroon ng kapayapaan ang kalooban at isipan
Nakagagawa ng isang makatarungang kilos
Nagiging modelo sa iba
Napaninindigan ang pagsasabi ng katotohanan
Prosocial Lying - uring pagsisinungaling na madalas nagagawa upang tulungan o pangalagaan ang isang mahalagang tao sa buhay.
Self-Enhancement Lying - madalas ang isang tao kaya siya nagsisinungaling ay upang maisalba nito ang sarili sa pagkapahiya, pagkasisi o kaparusahan.
Selfish Lying - uring pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit makapinsala pang ibang tao.
Antisocial Lying - uring pagsisinungaling na ito ay ginagawa upang sadyang makasakit ng iba. Nagagawa ang ganitong uring pagsisinungaling dahil sa inis, galit o selos sa isang tao.