Pagbibinata, Pagdadalaga at Bokasyong Magmahal, Paghandaan

Cards (10)

  • Tao - nilikha ng Diyos bunga ng Kaniyang pagmamahal at kaakibat nito ang tao rin ay tinawag upang magmahal. Likas ang pagmamahal sa tao.
  • Tao - lahat ng nilikha ng Diyos tao lamang ang may kakayahang magmahal at makapagparamdam ng pagmamahal sa kaniyang kapuwa.
  • Tao - dahil dito, may kalayaang mamili sa tamang panahon kung anong bokasyon ang kaniyang tatahakin upang higit niyang maipahayag ang kaniyang pagmamahal – ang bokasyon ng pag-aasawa o ang buhay na walang asawa o celibacy. Kahit aling bokasyon ang tatahakin niya ay maipahahayag niya ang kaniyang tunay at wagas na pagmamahal.
  • “ Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal at maghatid ng pagmamahal sa mundo – ang nagpapadakila sa tao,” - Banal na Papa Juan Paulo II.
  • Tao - nilikhang seksuwal ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang makibahagi sa Diyos sa pagiging manlilikha. Ito rin ang dahilan kung bakit ang tao ay naaakit o humahanga siya sa kaniyang katapat na kasarian
  • Puppy love - pinagkakamalan na tunay na pagmamahal
  • Puppy love - paghanga lamang
  • Tunay na pagmamahal - ang lubos na paghahandog ng pagkatao sa kaniyang minamahal.
  • Tunay na pagmamahal - tumitingin sa kaparehas o sa minamahal bilang kapantay at nagtataglay ng dignidad na kailangang igalang at pahalagahan.
  • Paano ba maihahanda ang isang indibidwal sa yugto ng pagbibinata at pagdadalaga at sa pagtupad ng kaniyang bokasyong magmahal:
    • Pag-isahin ang seksuwalidad at pagkatao
    • Huwag magtaka o mahiya sa tuwing may di maipaliwanag na pagbabago sa iyong sarili kagaya ng pagkaakit o paghanga sa katapat na kasarian
    • Pamahalaan at bigyan ng tamang tuon ang seksuwal na pagnanasa
    • Gawing inspirasyon ang mga hinahangaan
    • Ipakita ang tunay na pagkatao
    • Maging responsable