Seksuwalidad: Kahulugan at mga Umiiral na Paglabag

Cards (9)

  • Seksuwalidad ng isang tao - ang kabuoang pagkatao ng isang indibidwal. Ito ay ang kaganapan ng isang tao, ang pagiging lalaki o babae.
  • Seksuwalidad ng tao - magpapabukod-tangi sa kaniya bilang isang panlipunang nilalang. Sa seksuwalidad mahahanap ng isang indibidwal ang kanyang pagka-sino. Dito niya makikilala at mauunawaan ang kaniyang sarili, kung siya ba ay ganap na lalaki o ganap na babae.
  • Pagkalalaki o pagkababae na malayang pinili - hindi mo taglay lang o katangian, kundi ikaw mismo at kung ano pa ang magiging kaganapan mo bilang tao: may pamilya, dalaga o binata, namamasukan o nagnenegosyo, namumuno o tagasunod, relihiyoso, at iba pa, depende sa iyong potensyal.
  • Pornograpiya - pagbabasa o panonood ng mga malalaswa. Isa ito sa napapanahong isyu kaugnay sa tamang pananaw at paggalang sa seksuwalidad sapagkat ang taong nahumaling sa mga ganitong panoorin at babasahin ay nagkakaroon ng pag-iba ng ugali o asal, na kung saan maaaring kapag hindi napigilan ang kaniyang sarili ay humahantong sa paggawa pa ng iba pang paglabag kagaya ng pang-aabusong seksuwal at rape.
  • Pre-marital sex - ang pagtatalik ng dalawang tao na hindi pa binasbasan ng sakramento ng kasal.
  • Teenage pregnancy - maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae.
  • Aborsiyon - may mga kabataan ang takot at nahihiya sa magiging responsibilidad nila na maging batang ina o batang ama kaya mapipilitan sila na magpalaglag o ipalaglag ang bata sa sinapupunan ng babae.
  • Mga masasamang epekto ng aborsiyon:
    • sakit sa matris
    • kanser
    • pagkabaog
    • kamatayan
  • Pang-aabusong Seksuwal
    CSC Resolution No. 01-0940 o ang Administrative Disciplinary Rules on Sexual Harassment Cases, ang pang-aabusong seksuwal - anumang uri ng pananalita o kilos na may bahid seksuwal. Ang ating katawan ay templo ng Diyos na dapat igalang at huwag bastusin o abusuhin.